Sa Setyembre 6, 2025 pa mangyayari ang major concert ni Janine Teñoso na Janine sa New Frontier Theater, pero halos paubos na raw ang tickets kaya tuwang-tuwa at lubos ang pasasalamat ng 26-year-old singer-songwriter.
“Sobrang happy po ako and unexpected siya na almost sold-out na po ang tickets.
"I am just very grateful sa nare-receive ko pong support from management na talagang pinaghandaan po namin yung pag-promote.
"And actually, yung pag-announce po namin ng selling of the tickets was made four months before the concert para sureball po.
"Pero glad po ako na marami ang nakarinig regarding the concert,” saad ni Janine sa panayam sa kanya ng Cabinet Files sa media conference ng concert niya sa Viva Café nitong Huwebes ng hapon, Hulyo 17, 2025.
Read: Are Dustin Yu and Will Ashley open to do a project with Bianca de Vera?
Hindi itinanggi ni Janine ang kabang nararamdaman dahil siya ang personal na nag-aasikaso sa kanyang nalalapit na pagtatanghal para makatiyak na magiging maganda ang kalalabasan nito.
Pahayag niya: “I guess mas kinakabahan po ako regarding sa kalalabasan ng buong concert kasi very hands-on po talaga ako—from the creative direction to the areglo ng songs, lahat po talaga yon.
“Just to see it all na ma-align sana in the way na I envision it, dun po ako mas kinakabahan.
"Pero I know po na I am supported by an amazing band, by an amazing director, and by an amazing production staff.
"So with that knowing po, medyo nakaka-relieve naman po.”
Read: Iconic American singer Connie Francis dies at 87
OLD VIDEOS WITH GABBI GARCIA
Napangiti si Janine nang ipaalala sa kanya ng Cabinet Files ang lumabas na video nila ni Gabbi Garcia.
Kuha iyon noong high school students pa sila sa St. Paul College, sa Parañaque City, noong 2014. In-upload ito sa Internet ng isang kaibigan ni Janine.
Mapapanood sa video ang pagkanta nina Janine at Gabbi ng "California King Bed," ang 2011 hit song ni Rihanna, habang si Janine ang tumutugtog ng gitara.

Lahad ni Janine: “That was around 2014. I was 14 years old, second year high school ko po yon.
“Best friend ko po kasi si Gabbi noong high school.
"We studied at St. Paul Parañaque City but she had to transfer to St. Paul Pasig for some reason.
“Matagal na po kaming kumakanta together, like sa mga competition po. Pareho kaming nagre-represent ng St. Paul.”
Read: Seiko Films producer Robbie Tan, binalikan ang dating isyu kina Snooky Serna at Richard Gomez
Apat na taon na ang nakararaan, noong 2021, muling gumawa ng video sina Janine at Gabbi at muli nilang inawit ang "California King Bed."

Pero sa pagkakataong ito, natupad na ang kanilang mga pangarap maging bahagi ng entertainment industry.
Saad ni Janine: “Sobrang happy po talaga ako for everything that’s happening for the both of us.
“Ever since po talaga very supportive na kami of each other.
"And matagal na rin pong pangarap ni Gabbi na maging actress at matagal ko na rin pong pangarap na maging singer.
"So now na we see each other climbing that ladder, nakakataba rin po ng puso.”
May komunikasyon pa rin daw sila ni Gabbi hanggang ngayon.
Nang sabihin ng Cabinet Files na imbitahan niya si Gabbi sa kanyang concert sa Setyembre 6, “That’s a nice idea. Ime-message ko po siya ngayon. I will tell Gabbi to come,” nakangiting reaksiyon ni Janine.