PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Robbie Tan, binalikan ang dating isyu kina Snooky at Richard

Blusang Itim, naging box-office hit sa kabila ng EDSA People Power.
by Jojo Gabinete
Published Jul 17, 2025
robbie tan blusang itim
Former Seiko Films producer Robbie Tan (left) recalls past issues with Blusang Itim stars Snooky Serna and Richard Gomez (insets). Blusang Itim was shown during the EDSA People Power Revolution in 1986, and it was one of the biggest box-office hits during that year.
PHOTO/S: Noel Asinas / GMA Network / Instagram

Si Robbie Tan ng Seiko Films ang producer ng Blusang Itim, ang pelikulang pinagbidahan nina Snooky Serna at Richard Gomez na ipinalabas sa mga sinehan noong Pebrero 14, 1986.

Pinilahan ito sa takilya, sa kabila ng magulong sitwasyon noon sa pulitika sa Pilipinas na ugat ng EDSA People Power Revolution.

Nangyari ang bloodless revolution, na nagpatalsik sa dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. mula sa puwesto nito, mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 25, 1986.

Read: Red Uncle scandal sa China, binulabog ang buong mundo

Sa panayam ni Snooky Serna sa Fast Talk With Boy Abunda noong Hulyo 3, 2025, ikinuwento niya ang tagumpay ng Blusang Itim.

Lahad niya: “Nataon iyon na People Power, ipinalabas ang Blusang Itim.

"We were thinking, 'Naku, hindi ito kikita dahil, you know, nagkakagulo-gulo tayo.'

“On the contrary, in God’s good grace, it really was the biggest box-office hit of the year.”

ROBBIE TAN ON BLUSANG ITIM, SNOOKY SERNA, AND RICHARD GOMEZ

Exclusive contract star noon ng Regal Films si Snooky, pero pumayag si Mother Lily Monteverde na ipahiram siya sa Seiko Films para magbida sa Blusang Itim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa exclusive interview ng Cabinet Files sa Seiko Film producer na si Robbie Tan nitong Miyerkules, Hulyo 16, inalala niya ang ilang kuwento tungkol sa Blusang Itim.

“Oo, malakas ang Blusang Itim noon. Yun ang unang hit movie ni Snooky bilang solo star at unang pelikula ni Richard Gomez bilang lead actor," banggit niya.

Si Emmanuel "Maning" Borlaza (Nobyembre 5, 1935-Oktubre 11, 2017) ang direktor ng Blusang Itim, na hango sa nobela ni Elena Patron (Agosto 18, 1933-Enero 14,2021) sa Aliwan Komiks.

“Binigyan ko ng bonus ang lahat dahil nag-hit nga ang Blusang Itim, ang mga artista, production crew," sabi ni Robbie.

Read: Vice Ganda teases Shuvee Etrata and Fyang Smith about "best PBB batch"

blusang itim poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nagkaroon daw sila noon ng legal battle ni Snooky dahil hindi natuloy ang follow-up project ng aktres sa Seiko Films.

"May gagawin pa si Snooky na pelikula sa Seiko Films pero dahil kumita ang Blusang Itim, hindi na siya pinayagan ni Mother.

“Idinemanda ko noon si Snooky at ang mother niya, si Mila Ocampo.

"Ako ang nanalo, sinabi ng korte na ibalik nila sa akin ang PHP100,000 downpayment, pero hindi na nila ibinalik,” pagbabalik-tanaw ni Robbie tungkol sa naging problema niya noon sa mag-inang Snooky at Mila.

Nagkaroon din daw ng malaking tampo sa kanya noon si Richard Gomez dahil pina-dub sa iba ang mga linya ng aktor sa Blusang Itim.

Lahad ng dating movie producer: “Si Maning ang nagsabi sa akin na kunin si Richard na leading man ni Snooky. Sabi niya, sisikat si Richard.

“Ang Blusang Itim ang unang movie ni Richard na siya ang bidang lalaki.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Si Maning ang nagsabi sa akin na ipa-dub ko ang boses ni Richard. Nagalit si Richard sa akin dahil nainsulto raw siya.

"Pero after ilang years, gumawa uli siya ng pelikula sa Seiko, yung Lumayo Ka Man Sa Akin, si Laurice Guillen ang direktor.”

FROM PRODUCING MOVIES TO SELLING WALLETS

Ang Silip na pinangunahan ni Diana Zubiri, ang huling proyekto ng Seiko Films noong 2007.

Huminto na si Robbie sa paggawa ng mga pelikula.

Pinili niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang negosyo, ang Seiko Wallets na may tagline na “Ang wallet na masuwerte.”

“Malakas ngayon ang Seiko wallets, lalo na sa mga department store,” natutuwang sabi ni Robbie.

Wala na raw siyang balak ibalik ang Seiko Films.

Ang kanyang movie company ang nagpasikat at nagpasigla sa mga acting career nina Stella Strada (April 14, 1967- December 28,1984), Sheryl Cruz, Romnick Sarmenta, Jestoni Alarcon, Gretchen Barretto, Rita Avila, Isko Moreno, Ian Veneracion, Gardo Verzosa, Rosanna Roces, Priscilla Almeda, Leandro Baldemor, Rodel Velayo, Klaudia Koronel, Francine Prieto, Alfred Vargas, at Diana Zubiri.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ruffa Gutierrez, Yilmaz Bektas share friendly exchange on Instagram

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Seiko Films producer Robbie Tan (left) recalls past issues with Blusang Itim stars Snooky Serna and Richard Gomez (insets). Blusang Itim was shown during the EDSA People Power Revolution in 1986, and it was one of the biggest box-office hits during that year.
PHOTO/S: Noel Asinas / GMA Network / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results