“Unique love story” ang paglalarawan ng aktor na si Gabby Eigenmann tungkol sa relasyon ng kanyang kapatid na trans woman na si Kylie Celebre sa trans man na si Jan Pablo.
Sina Gabby at Kylie ay magkapatid sa kanilang ina, ang aktres na si Irene Celebre.
Read: Trans woman Kylie Celebre falls in love with trans man Jan Pablo
Pahayag ni Gabby sa exclusive interview ng Cabinet Files: “What comes around goes around, full circle, kumbaga.
"In reality, puwede pa rin silang magkaroon ng anak. Puwede rin silang magpakasal sa Pilipinas nang legal. Ang galing nga, e.”
Sina Kylie at Jan ay isinilang na lalaki at babae, respectively, bago nangyari ang kanilang transition.
Ayon kay Gabby, lapitin ng transmen si Kylie dahil nakipagrelasyon na rin noon sa isang trans man ang kanyang kapatid na tanggap na tanggap niya ang pagkatao.
“Sabi ko sa kanya, ‘Lapitin ka ng trans din.’ Maganda kasi siya, super.
"Kamukhang-kamukha ni Mommy ang kapatid ko, nung kabataan niya. Nakakatuwa,” sabi ni Gabby.
Tanggap daw ni Gabby na hindi madali ang maging panganay na anak.
Saad niya: “Mahirap din na maging panganay. There was a time na you have to look after them in a way.
"Support yung any endeavors nila, kung ano ang kanilang gustong gawin sa buhay.”
Read: Sneezy McDonald on Lolit Solis: "She is not a good mom…"

KYLIE CELEBRE ON RELATIONSHIPS WITH TRANs AND CISGENDER MAN
Sa hiwalay na panayam ng Cabinet Files kay Kylie, kinumpirma nitong naranasan na niya noong magkarelasyon sa trans man at maging sa isang tunay na lalaki o cisgender man.
“Yes, I’ve been in a relationship with a cis guy before at malaki talaga yung difference, especially when it comes to understanding each other’s personal struggles.
“With a cis guy, may moments na parang hindi ko kayang i-express nang buo kung sino ako.
“With a trans man, there’s a deeper level of empathy. Parang mas natural yung connection kasi pareho kayong may pinagdaanan that helps you understand each other more intimately,” paliwanag ni Kylie tungkol sa kaibahan ng kanyang pakikipagrelasyon sa trans man at cisgender man.
Hiningi ng Cabinet Files ang reaksiyon ni Kylie tungkol sa suporta at unconditional love ni Gabby para sa kanya.
Sagot niya: “Kuya has always been supportive kahit nung nagpa-breast augmentation ako.
“I remember asking him kung okay lang ba sa kanya and he just said, ‘Basta safe ka at masaya ka, go.’
“That kind of support means so much to me lalo na coming from family.”
Mula nang malathala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kuwento ng pagmamahalan nila ni Jan noong Hunyo 20, 2025, sari-sari ang mga reaksiyon na natanggap ni Kylie.
Pero hindi na raw siya nagpapaapekto sa mga ito.
Aniya: “As expected, may mga opinion talaga ang mga tao, hindi mawawala iyon.
"Pero sanay na rin ako kasi parte siya ng mundo na ginagalawan ko. What matters is that me and Jan are happy.
"And what makes it more meaningful is knowing we get to show that trans love stories are valid and worth being seen.”
Read: Aktor, binara ang ex-government official na "basher" ng anak