Hindi makatarungan ang ginawa at naging trato ng isang ex-government official sa anak ng isang aktor nang magkita sila sa isang pagtitipon kamakailan lang.
Menor de edad ang anak ng aktor, at magkasama ang mag-ama nang mamataan at lapitan sila ng ex-government official.
Bumati ang dating opisyal sa mag-ama na nananahimik sa isang sulok, kasunod ang komento tungkol sa pagkakaroon ng bashers ng bata.
Nagulat ang aktor sa inasal ng ex-government official. Pero hindi siya nagpatinag.
“Sila. Yan ang mga basher mo,” sabi ng aktor sa kanyang anak bilang pagtukoy sa ex-government official.
Hindi na nakapagsalita ang ex-government official na tinabla ng aktor.
Read: Awra Briguela graduates from senior high school
ISSUE ON BASHING
Maling-mali ang inasal ng ex-government official dahil menor de edad ang bata at wala itong alam tungkol sa isyu ng bashing at ng diumano’y pagkakaroon niya ng bashers.
Hindi nalalayo sa child abuse ang tratong natanggap ng anak ng aktor mula sa taong dapat nagpakita ng kalawakan ng isip, pang-unawa, at habag.
Mapalad ang dating opisyal dahil hindi siya nakatikim ng mas matitindi at masasakit na salita mula sa mahinahong ama ng bata.
Kung tutuusin, puwedeng-puwede magreklamo o gumawa ng eksena ang aktor laban sa kagaspangan ng ugali na kanyang ipinamalas.
Ang ugaling ipinakita ng dating opisyal ang batayan na siya at ang kanyang mga katulad ang nararapat makatanggap ng mga batikos dahil sa nakapanglulumo at hindi makatarungang kalupitan na ipinalasap niya sa isang inosenteng bata.
Read: Vilma Santos admits to feeling bad after son Luis Manzano’s election loss