PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ryza Cenon, muling tumuntong sa GMA-7 makalipas ang pitong taon

Ryza Cenon, open gumawa muli ng teleserye sa GMA-7.
by Jojo Gabinete
Published Jul 14, 2025
ryza cenon gma-7
Ryza Cenon on how motherhood changed her: “Ang buhay ko noon happy-happy lang, so parang walang meaning. Ngayon po, may meaning na. Before kasi, kung anong mangyari sa akin, okay lang. Pero ngayon takot ako na may mangyari sa akin kasi siyempre meron na akong Night. So, dapat walang mangyari na masama.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete / GMA Network

Makalipas ang pitong taon, muling tumuntong sa bakuran ng GMA Network ang aktres na si Ryza Cenon.

Si Ryza ang itinanghal na Ultimate Female Survivor sa reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck Season 2 noong 2004.

Noong 2018 ay nagdesisyon si Ryza na umalis sa bakuran ng GMA-7 at lumipat sa karibal nitong istasyon, ang ABS-CBN.

Read: Kisses Delavin now studying ballet in New York City

Ngayong Lunes, Hulyo 14, 2025, muling nasilayan si Ryza sa Kapuso network nang mag-guest siya sa Fast Talk With Boy Abunda.

Sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files, ipinagtapat ang aktres ang matinding kabang nararamdaman habang papunta sa kanyang dating home network.

Lahad ni Ryza: “Kinakabahan po ako talaga.

"Kaya kinakabahan ako pagpasok ko sa GMA-7 kanina. Nakakatuwa na lahat sila, mainit ang pagtanggap sa akin. Kilala pa nila ako.”

Kinikilala ni Ryza ang GMA-7 bilang kanyang unang tahanan at nagbuo sa pagkatao niya. Ano ang mga na-miss niya sa GMA-7?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mga na-miss ko yung mga tao kasi sila po talaga yung mas nakakausap ko, yung production staff and crew. Kaya sila yung mga na-miss ko,” sagot niya.

Read: Are Cristine Reyes and Gio Tingson in a relationship?

RYZA CENON OPEN TO WORK WITH GMA AGAIN

Bukas daw si Ryza sa posibilidad na muling lumabas sa mga programa ng GMA-7 at magkaroon ng drama series, tulad ng Ika-Anim Na Utos (2018), ang huling proyekto niya sa Kapuso Network.

In fact, may alok sa kanyang mag-guest sa Sanggang Dikit FR, ang primetime series nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Ngayong Lunes sana ang taping pero hindi niya tinanggap dahil may conflict sa schedule.

Ani Ryza, “Open pa rin ako if ever na ma-adjust ang taping schedule. Open pa rin po ako.

"Regular teleserye, oo naman, trabaho po yan.”

Nlinaw rin ni Ryza na wala na silang hidwaan ni Jennylyn.

“Wala na po yon. Tapos na po yon. May pamilya na po kami, may mga anak na po kami,” paglilinaw niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ryza Cenon and Jennylyn Mercado finally end their rift

RYZA CENON ON MOTHERHOOD

Sa mga kasabayan ni Ryza sa StarStruck, si LJ Reyes daw ang pinakamalapit sa kanya.

“LJ po yung pinaka-close ko. Minsan, kinakamusta ko siya or binabati ko siya kapag may special occasions,” sabi niya.

Natawa naman si Ryza nang tanungin ng Cabinet Files kung marunong pa rin siyang sumayaw. Kilala siya noon bilang mahusay na dancer.

Saad niya: “Yung pagsayaw kasi, naging nanay na ako, nakalimutan ko na.

"Kaya hindi ko alam baka pareho nang kaliwa ang mga paa ko. Hindi ko na siya masyadong ginagawa.

“Ang ginagawa ko, yung pagiging nanay ko. Mas nagpo-focus ako kay Night, sa school niya, hatid-sundo siya.

“Minsan nagbe-bake ako. Minsan art. Ngayon may mga ginagawa akong painting pero kapag natapos, ipo-post ko.

“Ang buhay ko noon happy-happy lang, so parang walang meaning. Ngayon po, may meaning na.

"Before kasi, kung anong mangyari sa akin, okay lang. Pero ngayon takot ako na may mangyari sa akin kasi siyempre meron na akong Night.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"So, dapat walang mangyari na masama.”

Si Night ang five-year-old son ni Ryza at ng partner nitong si Miguel Antonio Cruz.

Read: GMA 75th Anniversary Special, nanguna sa ratings

RYZA CENON ON SON NIGHT

Kasama ni Ryza si Night nang nagpunta siya sa GMA Network sa kauna-unahang pagkakataon, makaraan ang maraming taon.

Palakpak nang palakpak at tuwang-tuwa si Night nang ipakilala ang nanay niya bilang bisita ni Boy Abunda sa Fast Talk With Boy Abunda.

“Lagi po siyang ganyan. Supportive po siya.

"Every time na may work ako, palagi kong kasama si Night, kasi sobrang clingy siya sa mommy niya,” pagbabahagi ni Ryza.

Naniniwala ang aktres na magiging writer at hindi artista si Night kapag lumaki ito.

Read: OG F4 from Meteor Garden reunites on stage after 12 years

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ryza Cenon on how motherhood changed her: “Ang buhay ko noon happy-happy lang, so parang walang meaning. Ngayon po, may meaning na. Before kasi, kung anong mangyari sa akin, okay lang. Pero ngayon takot ako na may mangyari sa akin kasi siyempre meron na akong Night. So, dapat walang mangyari na masama.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results