Sa Setyembre 24, 2025 ang cinema playdate ng Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna, pero hindi pa nag-uumpisa ang shooting ng launching movie ng AshDres loveteam nina Ashtine Olviga at Andres Muhlach.
Nauna nang inilabas ng Viva Films ang teaser ng pelikulang mula sa panulat at direksiyon ni Jason Paul Laxamana.
Tulad ni Ashtine, ikinagulat ni Andres ang mainit na pagtanggap ng kanilang mga tagasuporta sa muling pagtatambal nila.
Read: Andres Muhlach at Ashtine Olviga, magbibida na sa pelikula
Ikinatuwa ni Andres na Minamahal ang pamagat ng proyekto nila ni Ashtine dahil May Minamahal ang titulo ng pelikulang pinagbidahan ng kanyang amang si Aga Muhlach nooong 1993.
“May movie siya kasama niya si Tita Aiko [Melendez] na May Minamahal.
"Tapos ngayon, nakakatuwa na yung first movie ko rin with Direk JP and Ash, Minamahal, at siyempre, nagre-ready na kami ni Ash.
“Nagwo-workshop kami. It’s going to be a fun process and we’re gonna learn many new things especially since mga bago pa kami.
"Thank you din kay Direk talaga ‘coz he’s gonna be there to guide us,” pahayag ni Andres sa story conference ng proyekto na naganap ngayong Miyerkules ng hapon, Hulyo 9, sa Viva Café, Quezon City.
Pinipilit ni Andres magsalita sa wikang Pilipino kahit mas sanay siya sa American language kaya natuwa rin sa kanya ang mga dumalo sa story conference ng Minamahal.
Read: First four official entries to MMFF 2025 announced

ANDRES MUHLACH ADMITS PRESSURE ON HIS FIRST MOVIE
Hindi itinanggi ni Andres ang nararamdamang pressure sa unang pagkakataong pagbibida nila ni Ashtine sa pelikula, pero positibo ang kanyang reaksiyon.
“Nung lumabas yung teaser, siyempre naman may pressure din kasi first lead role namin ito at first movie ko din ito.
"Pero importante din yung pressure na yun kung gusto mong gawin yung good performance.
“Or if you want to be on top of yourself, you need that pressure, and I think nakaka-help naman din.
"And siyempre naman, kinakabahan din ako,” paliwanag ni Andres.
Natawa naman si Andres nang tanungin sa puwede niyang ibigay alang-alang sa pag-ibig na may kinalaman sa kuwento ng Minamahal.
Sagot ni Andres: “Ang hirap naman ng question. Ano kaya?
"Lahat kasi para sa akin, in life, you need love talaga to achieve your passions.
“If you’re really passionate about something, that means you truly love it.
"And anything that was even never invented sa buhay, sa life, talagang it came from out of loving it.
“Loving whatever material that was or kung ano yung idea, so I think love is super important.”
May mabilis din siyang sagot tungkol sa kanyang pinakapaboritong love story.
“Kung dito sa Philippines, sasabihin ko yung love story ng parents ko,” sabi ni Andres.
Read: Will Ashley addresses "love triangle" with Bianca de Vera, Dustin Yu inside PBB house