PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TV host Fatima Kate Bisan, gustong mag-shift sa acting

Fatima Kate Bisan, ano ang mga aral na natutunan kay Willie Revillame?
by Jojo Gabinete
Published Jul 5, 2025
fatima kate bisan
Content creator, beauty queen, and former Wil To Win co-hosts Fatima Kate Bisan says she is now ready to take a plunge into the world of acting.
PHOTO/S: Instagram

Contract star na ng MQuest Artists Agency (MQAA) ang content creator, beauty queen, at former Wil To Win co-host na si Fatima Kate Bisan.

Kilala rin siya sa tawag na Inday Fatima, Ang Probinsyana.

Ang MQAA ang in-house talent management arm ng MQuest Ventures, ang content creation hub ng MediaQuest Group na namamahala sa produksiyon ng pelikula, TV shows, at live events.

Read: Misis ni Emil Sumangil, nanawagan ng dasal para sa kaligtasan ng 24 Oras anchor

Pumirma si Fatima ng kontrata sa MQAA noong Agosto 2024 matapos siyang mapili ni Willie Revillame bilang isa sa mga co-host ng game show na Wil To Win.

Pansamantalang namahinga ang Wil To Win, ngunit magbabalik ito sa telebisyon bago matapos ang taon pero Wowowin na ang gagamiting pamagat.

fatima kate bisan wil to win
Fatima Kate Bisan was one of the co-hosts of Wil To Win.
Photo/s: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para kay Fatima, ang pagpirma niya ng kontrata sa talent management agency ng MQuest Ventures ang umpisa ng katuparan ng kanyang pangarap maging aktres.

“I have upcoming vertical dramas with MQuest and guesting in different shows in TV5 and their other channels,” pagbabahagi ni Fatima sa Cabinet Files.

“Medyo mahirap umarte at nag-a-adjust pa rin ako.

"Dahil sa hosting, you are showing your realness, your identity, authenticity, and being comfortable with yourself.

“But in acting, you need to portray a different persona and character that also need to look and feel real.

“Ang dami ko pang dapat matutunan and I’m willing to learn because in my younger years, I wanted to be an actor.

“Now that I’m here, sisipagan at gagalingan ko, kaya I am currently attending the workshop of MQAA under Direk Rahyan Carlos, who is best known for his mastery in Chubbuck Technique.”

Read: Netizens ask: Are Maine Mendoza and Miles Ocampo not on good terms?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FATIMA KATE BISAN NOT CLOSING HER DOORS ON BEAUTY PAGEANTS

Si Fatima ang nagwagi na Miss Tourism World sa Hiyas ng Pilipinas noong 2023 at first runner-up siya sa Miss Philippines Earth noong 2021.

Kahit nasa mundo na siya ng showbiz, kasama pa rin sa mga plano ni Fatima na sumali sa mga beauty pageant.

“As of the moment, I’m not closing any doors in pageantry. It has become my passion and, who knows, I might join Miss Universe Philippines soon!” pahiwatig ni Fatima.

fatima kate bisan
Fatima Kate Bisan was crowned Miss Tourism World sa Hiyas ng Pilipinas in 2023.
Photo/s: Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nadiskubre ni Willie si Fatima dahil sa vlog nitong umaakyat siya sa puno ng niyog para gumawa ng lambanog at nanghuhuli ng mga daga sa Nueva Ecija.

Lahad niya: “My first love has always been content creation, the very reason why I was discovered by Kuya Wil.

“'Til now gumagawa pa rin ako ng mga para sa page ko po na Inday Fatima Vlogs.

“Tuloy pa rin ang paggawa ko ng mga makukulit, kuwela, but relatable content din na talagang minahal ng tao because aside sa sexiness, yung pagiging simple, mapagmahal sa pamilya, at pagiging totoo tao ang ipinakikita ko.

“Iba rin ang fulfillment ko sa paggawa ng content dahil nai-inspire ko ang ibang mga tao na lumaban lang sa buhay at huwag sumuko.

“Na darating din ang panahon na aayon ang mga bagay sa atin kagaya ko.”

Read: Gretchen Barretto camp denies actress' involvement in missing sabungeros case

LESSONS FROM KUYA WIL

Tiyak na ang pagbabalik ng game show ni Willie sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa alam ni Fatima kung kukunin pa rin siya bilang co-host, pero dala raw niya hanggang ngayon ang mga aral na kanyang natutunan mula sa kilalang TV host.

fatima kate bisan willie revillame
Fatima Kate Bisan with TV host Willie Revillame
Photo/s: Instagram

Aniya: “Iba ang saya na ibinibigay ng Wil to Win sa mga Pilipino, sa pagharap sa live audience, at pakikipagkuwentuhan sa mga simpleng tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Natutunan kong makinig, umunawa, at magbigay ng saya at pag-asa.

"Natutunan kong bawat tao na umaakyat sa entablado, may bitbit na kuwento ng hirap, pag-asa, at pangarap.

“Natutunan ko rin sa Wil To Win na minsan, isang yakap, simpleng salita, o tapat na pakikinig, sapat na para maibsan ang bigat ng mga pinagdadaanan ng mga kababayan natin na may mga problema."

Patuloy ni Fatima: “Natutunan ko naman mula kay Kuya Wil kung paano pahalagahan ang trabaho.

"Sabi nga niya, ‘Ang opportunity minsan lang dumating, at kapag dumating ito, kailangan pangalagaan, bigyan ng importansya, pagmamahal, at respeto.’

“Natutunan ko mula sa kanya ang pagpapahalaga sa oras, being professional sa work, focus sa ginagawa, at pagiging maayos at organized sa lahat ng bagay.

“Napapagalitan kami minsan dahil sa aming mga pagkakamali, pero we take it as positive criticism to be a better host and improve every day.

"Kaya naman super thankful ako sa opportunity na naibigay sa akin ni Kuya Wil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It opened me to opportunities in acting and now, I’m part of MQuest Artist Agency.”

Read: Camille Villar is biggest spender in May 2025 mid-term elections

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Content creator, beauty queen, and former Wil To Win co-hosts Fatima Kate Bisan says she is now ready to take a plunge into the world of acting.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results