Mahigit isang dekada na ang nakalilipas mula nang hiwalayan ng aktres ang karelasyong male showbiz personality.
Biniyayaan ng anak ang sandaling panahong pagsasama nila.
Nang makausap noon ng Cabinet Files ang male showbiz personality, sinabi nitong nasaktan siya sa nangyari dahil mahal na mahal niya ang aktres.
At kung sakaling magmamahal siya muli, pipiliin pa rin daw niyang balikan ang aktres.
Pero hindi na nangyari ang reconciliation na inaasam ng male showbiz personality dahil nagkarelasyon sa iba ang aktres.
Matagal naghintay at matagal na panahon bago nakahanap ang male showbiz personality ng bagong babaeng mamahalin.
Nagkaroon sila ng anak, pero humantong din sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.
Read: Justice Secretary Remulla, tinanong sa paglutang ng pangalan ni Gretchen Barretto sa sabungero case
NOT MEANT TO BE
Noong nakaraang taon, nagwakas ang relasyon ng aktres sa kanyang boyfriend.
Hanggang ngayon ay nananatili siyang single.
Nagpahiwatig siya sa male showbiz personality na gusto niyang magbalikan sila at muling mag-umpisa para mabuo ang kanilang pamilya.
Ito ngayon ang malaking problema ng male showbiz personality dahil may girlfriend na siya na mahal na mahal niya kaya imposible na para sa kanya ang makipagbalikan sa aktres.
Gusto man ng male showbiz personality na muling mabuo ang pamilya nila ng aktres, mas nangingibabaw ang pagmamahal niya sa current girlfriend na binibigyan siya ng unconditional love, tinanggap ang kanyang nakaraan at pagkakaroon ng mga anak.
Read: Matet de Leon hurt by insensitive comments during live selling