PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VAA naglabas ng statement para sa mga naninira kay Ashtine Olviga

"We as the management of Ashtine will take the necessary legal action..."
by Jojo Gabinete
Published Jun 29, 2025
ashtine olviga perfume
Hindi mag-aatubiling gumawa ng mga legal na hakbang ang Viva Artists Agency na nagma-manage kay Ashtine Olviga, laban sa mga gumagawa ng mga walang-basehang paninira sa kanya.
PHOTO/S: @vivaartistsagency on Instagram

Hindi magdadalawang-isip ang Viva Artists Agency (VAA) na magsampa ng kaso laban sa sinumang patuloy na nagkakalat ng mga paninira laban sa kanilang contract star na si Ashtine Olviga.

Sa opisyal na pahayag na inilabas ng VAA, malinaw ang kanilang babala at paalala para sa mga taong mapatutunayang sinisiraan ang lead actress ng phenomenal hit series na Mutya ng Section E.

Ipinaalala ng pamunuan ng VAA na isang seryosong krimen ang online libel at hindi nila hinahayaan o pinapayagan ang anumang mga paninira na walang basehan at ebidensya.

“Online libel is a serious crime and punishable by law. We as the management of Ashtine will take the necessary legal action for any statements, narratives, or allegations that might tarnish her reputation.

“We do not condone these acts, specially without any evidence. We will hold those accountable liable to the maximum extent possible under the law,” ang kabuuang pahayag ng VAA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Viva Artists Agency's official statement
Photo/s: VAA

Mula nang makilala si Ashtine dahil sa partisipasyon nito sa Mutya ng Section E., dumami ang bilang ng kanyang mga tagahanga na kabilang sa mga nagtatanggol sa kanya kapag nasasangkot siya sa mga isyu.

Ikinatuwa ng mga tagasuporta ni Ashtine ang paalala at babala na inilabas ng VAA dahil ito ang kasagutan sa kanilang panawagan na “Protect Ashtine at all cost.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang ang local supporters at Indonesian fans ni Ashtine sa mga nababahala nang husto sa online bashing at diumano’y mga walang katotohanang kuwento na kumakalat laban sa kanya.

Kaya pinahahalagahan nila ang official statement ng talent management agency na namamahala sa career ng aktres na kanilang iniidolo.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi mag-aatubiling gumawa ng mga legal na hakbang ang Viva Artists Agency na nagma-manage kay Ashtine Olviga, laban sa mga gumagawa ng mga walang-basehang paninira sa kanya.
PHOTO/S: @vivaartistsagency on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results