Nagbalak si JC Santos at ang kanyang pamilyang mag-migrate sa Perth, Australia, noong 2021 dahil sa coronavirus pandemic.
Pero hindi nangyari ang kanilang plano kaya nanatili sila sa Pilipinas.
Kinumpirma ni JC sa Cabinet Files na hindi na sila magma-migrate sa Australia ng kanyang pamilya.
Tama ang desisyon ni JC na huwag ituloy ang pag-alis sa Pilipinas dahil nang bumalik sa normal ang sitwasyon, hindi siya nawalan ng mga proyekto sa pelikula at sa telebisyon mula 2021 hanggang sa kasalukuyan.
Read: Female celebrity allegedly involved in case of missing sabungeros
THREE MOVIES FOR THIRD QUARTER OF 2025
Para sa third quarter ng 2025, tatlong pelikula ni JC ang nakatakdang ipalabas sa mga sinehan.
Sa July 9 ang theatrical release ng I Remember You, kung saan katambal niya si Valeen Montenegro.

Nakatakda sa Agosto 6 ang cinema playdate ng pelikula nila ni Rhian Ramos na Meg & Ryan.

Mapapanood naman sa Setyembre ang 100 Awit Para Kay Stella, ang sequel sa 100 Tula Para Kay Stella, ang blockbuster movie nila ni Bela Padilla noong Agosto 2017.

“Hindi nababakante," biro ni Bela kay JC.
Pero may paliwanag ang aktor tungkol sa magkakasunod na buwang pagtatanghal sa mga sinehan ng mga pelikulang pinagbibidahan niya.
Saad ni JC: “Basically, lahat ng mga sinyut last year, ipapalabas na ngayon starting July, tapos meron pa ako sa August, September.
“Every month, may mga pelikula ako na ipalalabas sa mga sinehan.”
Read: Maris Racal says Incognito "saved" her
SIXTH JC SANTOS-BELA PADILLA MOVIE
Ang 100 Awit Para Kay Stella ang pang-anim na beses na pagtatambal nina JC at Bela sa pelikula.
Ang limang naunang pelikula nila ay 100 Tula Para Kay Stella (2017), The Day After Valentine's (2018), On Vodka, Beers, and Regrets (2020), 366 (2022), at Wish You Were The One (2023).
Nagkasama rin sila sa 2019 MMFF official entrry na Miracle In Cell No. 7, pero wala silang eksenang magkasama.
Malakas ang hatak ng kanilang “loveteam” kahit kasal na si JC sa misis nitong si Shyleena Herrera mula pa noong Setyembre 2019.
Ang huli namang napabalitang karelasyon ni Bela ay ang Swiss-Italian na si Norman Ben Bay. Hindi malinaw kung sila pa rin hanggang ngayon.
“Surprised din kami sa idea na iyon,” sabi ni JC tungkol sa tinatangkilik ng publiko na partnership nila ni Bela.
“Surprised kami sa onscreen na sinasabi nila na chemistry. Ang dali lang kasi naming magtrabaho sa isa’t isa.
“We know each other well na kaya naming saluhin yung isa’t isa sa mga eksena na, in a way, magandang tingnan. Suwerte!”
Hindi naman napigilan ni Bela na magbalik-tanaw sa unang pagkakataong napanood niyang umaarte si JC.
Humanga raw agad siya sa aktor, kahit hindi pa sila nagkakapareha sa 100 Tula Para Kay Stella.
Lahad niya: “He’s a brilliant actor. Bago pa man kami umapak sa 100 Tula Para Kay Stella, napanood ko muna yung trabaho niya.
“Na-invite kami sa premiere ng Till I Met You [2016], yung teleserye niya sa ABS-CBN with James Reid and Nadine Lustre.
"I already knew we were gonna do 100 Tula, so when I saw him onscreen, I was, like, wow, I was really excited.
“Ang galing niya dun. It was such a breakthrough role for him tapos ang fresh ng hitsura niya.
"So I was, like, I am so excited to be partnered with someone who’s so refreshing pati yung atake niya sa scenes.
“Iba kasi yung pumapasok sa trabaho na excited ka, tapos the first day on set, you didn’t have any problems.
“Halos lahat ng eksena namin kung hindi technical problem, lahat one take. Parang nag-jibe kami agad kasi same wavelength kami.”
Itinuturing din ni Bela si JC bilang isa sa kanyang mga malalapit na kaibigan sa industriya.
“I feel pati sa personal part ng buhay namin, lagi kaming nagtutugma kung ano yung pinagdadaanan ng isa’t isa.
“Nabibigyan namin ng advice ang isa’t isa na maayos. Parang hindi kami work friends lang,” sabi ni Bela.
Read: Blind item: Dalawang aktres, trying hard sa pagiging Inglesera