Mapayapang nakarating sa Doha, Qatar, ang cosplayer na si Alodia Gosiengfiao ngayong Martes, Hunyo 24, 2025.
Nakaramdam ng pangamba si Alodia dahil na-divert o nalihis sa India ang paglapag ng eroplano na kanyang sinakyan mula sa Pilipinas.
Lumapag sa India ang eroplanong sinakyan ni Alodia at ng ibang mga pasahero dahil sa pagsasara ng pamahalaan ng Qatar sa kanilang airspace.
Read: ChaRes first duo to enter Big 4 of PBB Celebrity Collab Edition
WHY QATAR CLOSED ITS AIRSPACE
Isinara ng Qatar ang kanilang airspace bilang paghahanda sa mga posibleng pag-atake ng Iran sa Al Udeid Air Base at para na rin sa kaligtasan ng mamamayan.
Ang Al Udeid Air Base ay isang malawak na pasilidad sa disyerto ng Qatar na nagsisilbi bilang major regional military hub ng American forces.
Nakita sa mga flight tracking website ang paglipad ng mga eroplano papunta sa iba’t ibang mga airport nang isara ang Qatari airspace dahil sa paglulunsad ng mga missile sa Al Udeid Air Base noong Lunes ng gabi, Hunyo 23.
Ito ay bilang ganti sa pag-atake na ginawa ng Amerika sa tatlong nuclear facilities ng Iran sa Fordow, Natanz, at Isfahan noong Hunyo 22.
Sinabi ng Qatar at U.S. officials na walang namatay o nasaktan sa missile attack ng Iran dahil na-intercept ang mga ito.
Mula sa India, nakalipad patungo sa Doha at nakalapag ang eroplanong sinasakyan ni Alodia at ng mga pasahero dahil sa pagbubukas ng Qatari airspace nitong Martes.
Read: Dennis Trillo calls out bashers for inappropriate comments about Jennylyn Mercado's son
CONFLICT BETWEEN USA AND IRAN
Nakatutok ang buong mundo sa conflict na nagaganap sa pagitan ng Amerika, Israel, at Iran na naghatid ng matinding takot sa mga taga-Middle East.
Pinapayuhan ang lahat na hangga’t maaari, iwasan munang bumiyahe sa Middle East para hindi madamay sa nakaambang panganib.
Isang talent manager ang nagsabi sa Cabinet Files na kinausap niya ang lahat ng kanyang mga alagang artista na huwag munang pumunta sa Europe at Middle East para magbakasyon.
Mas ligtas pa rin daw manatili sa sariling bansa habang walang katiyakan tungkol sa mga kaganapan sa pagitan ng Israel, Iran, at Amerika.
Ito ay kahit nagbitaw ng salita si U.S. President Donald Trump ngayong Martes ng hapon, Hunyo 24: “The ceasefire is now in effect. Please do not violate it!”
Read: Klarisse de Guzman declares on It's Showtime: "I love you, Trina"