PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sexy star, gustong ipa-take down ang lumang artikulo sa kanya

Isa pang sexy star, gustong ipabura ang pagiging miyembro niya ng Viva Hot Babes
by Jojo Gabinete
Published Jun 21, 2025
blind item sexy star
PHOTO/S: Canva

Hindi nagbubura ng artikulo, lalo na kung totoo ang mga detalye, ang isang online entertainment site kaya malabong mangyari ang pakiusap ng sexy star na i-take down ang panayam sa kanya.

Rason ng sexy star, apektado na ang pamilya niya dahil sa artikulong nailathala isang taon na ang nakararaan.

Read: Trans woman Kylie Celebre falls in love with trans man Jan Pablo

Kung babasahing mabuti ang artikulo, kusang-loob at hindi pinilit ang sexy star na magkuwento tungkol sa kanyang buhay noong hindi pa siya pumapasok sa showbiz.

Detalyado ang salaysay ng sexy star tungkol sa mga pagsubok na pinagdaanan nito at ng isang malapit na miyembro ng kanyang pamilya kaya nakuha niya ang paghanga at simpatiya ng entertainment press.

Nang lumabas ang artikulo, walang pasasalamat na narinig mula sa sexy star.

Pero makalipas ang isang taon, mahigpit ang kanyang pakiusap na i-take down o burahin ang artikulo dahil isyu ito sa pamilya nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi napagbigyan ang kahilingan ng sexy star.

Una, hindi nagbubura ng artikulo ang online entertainment site.

Pangalawa, hindi imbento ang report dahil siya ang boluntaryong nagkuwento sa isang media conference ng kanyang mga karanasan.

Read: Trans woman Kylie Celebre falls in love with trans man Jan Pablo

VIVA HOT BABES ALUMNA

Walang ipinagkaiba ang sexy star sa Viva Hot Babes alumna na humingi ng pabor na interbyuhin ito.

Nang lumabas ang artikulo, ipinatatanggal niya ang bahaging nagsasabing dati siyang miyembro ng sexy all-female group.

Maaaring may kinalaman ang bagong career niya at pagkakaroon ng pamilya kaya ayaw nang balikan ng former Viva Hot Babes ang nakaraa.

Pero mukhang hindi tama ang kanyang ginagawang pagtatakwil sa grupo na dahilan kaya nagkaroon siya ng pangalan at showbiz career.

Utang na loob ng sexy star mula sa pagiging dating miyembro nito ng Viva Hot Babes ang lahat ng tinatamasa at magagandang nangyayari ngayon sa kanyang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit pilit niyang iwinawaksing miyembro siya ng Viva Hot Babes, nakatatak na ito sa isip ng mga tao.

Tulad ng sexy star na ipinatatanggal ang artikulo tungkol sa kanyang nakaraan, dapat ipaalaala sa kanila ang matandang kasabihan na “Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa kanilang paroroonan.”

Read: Shuvee Etrata publicly declares Anthony Constantino her "TDH"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results