Nagkaroon ng mga espekulasyong engaged na si Janine Gutierrez sa boyfriend nitong si Jericho Rosales dahil sa mga paraw o sailboat na nakitang naglalayag sa Boracay na may mga nakasulat na “Janine Gutierrez said Yes!” noong Araw ng Kagitingan, Abril 9, 2025.
Read: Shuvee Etrata publicly declares Anthony Constantino her "TDH"
Nilinaw ni Janine ang tungkol dito sa panayam sa kanya ng entertainment press nang ipinakilala siya bilang brand ambassador ng insular health care na iCare sa pagtitipong ginanap sa St. Luke’s Medical Center, Taguig City, ngayong Biyernes, Hunyo 20.
“Walang kamalay-malay siya na siya na yung napagbintangan sa mga paraw sa Boracay!” natatawang kuwento ni Janine tungkol sa naging reaksiyon ni Jericho.
“Pati siya nagulat, 'Ah, okay ito, ah!’
"But I really love that campaign na it’s a reminder na before you say yes to anything else, say yes to health.”
Ito ang kumpirmasyong walang katotohanan ang mga haka-hakang inalok na siya ng kasal ng kanyang boyfriend.
Read: Female soldier, pinabilib ang hosts at audience ng Eat Bulaga! dahil sa galing kumanta
JANINE ON WHY SHE ENTERED SHOWBIZ
Sinadya ang "Yes to health" campaign bilang paalaala na tapang at lakas ang kinakailangan para unahin ang sariling kalusugan sa makabagong mundo.
Ipinagtapat ni Janine sa iCare HMO event na wala talaga sa plano niyang pumasok sa showbiz, pero nagbago ang lahat dahil sa kanyang yaya.
Lahad niya: “I don’t talk about this a lot, pero actually, one of the reasons kung bakit ako nag-artista was so that I could earn because my second mom, yung yaya ko since birth, she got cancer when I was in school.
“Siyempre, nakita ko yung hirap ng bukod sa physical struggles, yung babayaran mo.
"Nakita ko kung paano siya naglakad sa kung anong agencies to ask for financial help and support.
“At first, when I was younger, ayoko talagang mag-artista kasi nahihiya ako. Malayo talaga siya sa isip ko.
"But when it came to trying to help my family, yun ang parang nag-push talaga sa akin na I need to earn kasi mahal magkasakit — no matter kung gaano kadami yung naipon mo or kung malaki yung pamilya mo.
“Kapag nagkasakit ka, everything stops. So anything with health is very, very important to me.”
Bilang panganay sa mga anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher Gutierrez, ikinuha niya ng health card ang kanyang mga nakababatang kapatid.
Saad ni Janine: “When I do my yearly expenses, HMO talaga.
"Kasi sometimes, no matter how well you take care of yourself, hindi mo talaga maiwasan, hindi mo talaga masabi kung anong puwedeng mangyari.
"So, sobrang I really, really encourage everyone to take the time to get your health plan.
"Kasi at least, meron kang peace of mind na tuluy-tuloy ka sa trabaho.
“Tayong mga freelancer, kakaiba yung schedule. Lahat tayo, kung anuman yung trabaho mo, nagpupuyat.
"So, it’s really just nice to have that peace of mind na there is that support system that will take care of you whatever happens.”