Kung hindi naging mang-aawit at artista si Julie Anne San Jose, malamang ay sasali rin daw siya sa mga singing contests, tulad ng The Clash, ang reality talent competition program ng GMA-7 kung saan sila ng kanyang boyfriend na si Rayver Cruz ang mga hosts.
"Siguro po, yes, kasi, I think kapag singer o performer ka, parang template iyon na, 'O baka puwede akong sumali ng competition o ng singing contest.'
"Discretion na namin iyong kung sasali kami, pero sa case ko po kasi, parang nagkataon lang talaga,” ang sagot ni Julie Anne sa Cabinet Files.
Read: Victor Neri finishes law degree at 49
JULIE ANNE SAN JOSE'S UNPLANNED AUDITION
Nag-umpisa ang singing career ni Julie Anne sa edad na labing-isa nang maging kalahok siya ng Pop Star Kids, ang reality singing competition ng QTV na napanood mula 2005 hanggang 2007.

Ayon kay Julie, wala sa kanyang plano noong sumali, pero nagkataong nasa mall sila kung saan ginanap ang audition.
"Nung sumali ako sa Pop Star Kids, hindi po talaga siya planado. Nasa mall lang kami noon ng nanay ko. Nakita namin may audition after SOP.
"So parang, ‘Sige nga Ma, try ko nga. Parang okay ito.’
"Hindi ko naman ine-expect na makakapasok ako sa screening hanggang sa nagdire-diretso na.
"Parang go with the flow na lang kami ni Mama.
"Sabi ko, 'Ma, let’s see where this goes,' and then, hindi ko ine-expect na makakasali ako."
Ibang kuwento naman yung pagsali niya sa "Little Miss Philippines" contest ng Eat Bulaga! noong 1998.
“Yung lola ko kasi, siya talaga yung nagpe-persuade sa akin na sumali, ‘O, sumali ka sa mga beauty contest. Sumali ka sa mga singing contest,” ang kuwento ni Julie Anne na sumali sa edad na tatlo at nanalong first runner-up.
Read: Carlo Acutis to be declared a saint in September 2025
JULIE ANNE SAN JOSE on singing contests then and now
Bilang host ng Season 7 ng The Clash, nakita ni Julie Anne ang malaking pagkakaiba ng mga singing contests ngayon at ng patimpalak na sinalihan niya noon.
"Iba kasi yung competition before. Medyo mas kalmado for me kasi galing ako sa Pop Star Kids so kahit na competition iyon, siyempre mga bagets-bagets kami, ine-enjoy lang namin.
"Grabe yung labanan ngayon. Technically, ibang klase yung competition between all the Clashers.
"Pero ang nakikita namin sa kanila, lahat sila, parang friends, friendly competition.
"Saka parang they don’t see each other as rivals. Hindi sila ganoon. They also encourage each other like, 'Bahala na. Kahit anong mangyari, proud ako sa iyo.’”
Tadhana ni Julie Anne na maging entertainment personality dahil nagtuloy-tuloy ang kanyang showbiz career mula nang sumali siya sa Pop Star Kids.
Malaki rin ang pasasalamat niya sa GMA-7, na bukod sa acting at hosting ay binibigyan din siya ng mga oportunidad para mag-perform at maging boses sa likod ng mga theme songs ng mga teleserye gaya ng Dyesebel, Maria Clara at Ibarra, Voltes V, at Encantadia Chronicles: Sang’gre.
Hindi na nga raw niya mabilang ang mga theme songs na ipinakanta sa kanya.
"Hindi ko na po alam. Hindi kasi ako nagbibilang. Sobrang thankful po talaga ako kasi nagsimula iyan nung Dyesebel hanggang sa nagtuluy-tuloy.
"Kumanta rin po ako ng iba-ibang theme song ng series. I am very thankful kasi, somehow, parang kasali rin ako sa mga show dahil nga sa mga theme song.
"I am very grateful kasi ako po yung napipili.”