Suportado ni Chariz Solomon ang pagpapaayos ng mukha ni Fifth Solomon, pero pinayuhan niya ang nakababatang kapatid na maghinay-hinay.
Read: Fifth Solomon, inaming sumailalim sa face lift at fox eye surgery
Sa pagkakaalam ni Chariz, bukod sa rhinoplasty procedure o pagpapatangos ng ilong, dalawang beses nang sumailalim si Fifth sa fox-eye surgery para matupad ang pangarap nito na magmukhang K-pop idol.
Kaya raw sinabihan niya ang kapatid na magdahan-dahan.
Hindi lamang ang mata at ilong ang ipinabago ni Fifth dahil ipinaayos din niya ang kanyang hairline sa pamamagitan ng hair transplant.
Hindi inilihim ni Fifth ang pinagdaanang hair-transplant procedure na ibinahagi niya sa kanyang social media post noong Abril 2025.
"I decided to redesign my hairline para mabawasan yung pagka-round ng face ko. Nagpalagay ako ng widow’s peak and more curves sa both sides ng forehead para mas may shape yung mukha ko at mas lumiit tignan ang noo," bahagi ng paliwanag ni Fifth.
Pinadagdagan din ni Fifth ang tattoo sa katawan. Nagpalagay siya ng isang malaking paru-paro sa leeg.

Read: Miracle lone survivor explains how he survived tragic plane crash
CHARIZ SOLOMON ON younger sibling FIFTH
Tanggap daw ni Chariz ang pagpapa-tattoo at nagagandahan siya sa bagong itsura ni Fifth, pero bilang isang ate na nagmamalasakit, pinaalalahanan pa rin niya ang kapatid.
Nang sabihin ng Cabinet Files kay Chariz na hindi na kamukha ni Fifth ang kakambal nito na si Fourth, ang reaksiyon ng comedienne: "O, di ba? Before and after na ang mga itsura nila?"

Sinabi ni Chariz na kahit payuhan niya si Fifth tungkol sa pagpapaayos nito ng mukha, hindi siya pakikinggan dahil may sariling isip at likas ang pagiging artist ng kanyang kapatid.
Si Chariz ang unang naging artista sa kanilang pamilya at siya ang nagbukas ng pintuan ng showbiz para kina Fourth at Fifth, na parehong ex-housemates sa Pinoy Big Brother All-In (2014).
Read: Fourth Solomon on twin Fifth's blooming love life: "Sulitin mo lang iyan, Sis."
CHARIZ SOLOMON PODCAST SHOW WITH BUBOY VILLAR
Samantala, si Chariz ang bagong co-host ni Buboy Villar sa Season 2 ng Your Honor, ang podcast show na mapapanood simula ngayong Sabado ng gabi, Hunyo 14, sa Spotify, Apple Podcast, at YouLOL, ang YouTube comedy channel ng GMA Network Inc.
Balak na imbitahan si Fifth bilang bisita sa mga susunod na kabanata ng Your Honor, dahil bukod sa siya ang direktor ng Lasting Moments, interesado ang publiko na mapanood ang pag-uusap nila ni Chariz tungkol sa kanyang mukha na ipinabago niya.
Mga bida sina JM de Guzman at Sue Ramirez sa Lasting Moments, na isa sa mga proyekto ni Fifth bilang direktor at nakatakdang ipalabas sa mga sinehan simula sa Hulyo 30, 2025.