PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Direk Jason Paul Laxamana, proud sa narating ni Rabin Angeles

Direk Jason Paul Laxamana, paano nadiskubre si Rabin Angeles?
by Jojo Gabinete
Published Jun 11, 2025
jason paul laxamana rabin angeles
Director and talent manager Jason Paul Laxamana (left) on Rabin Angeles (right): “Gusto ko mas mapatunayan pa niya yung sarili niya as a serious actor na, kumbaga, hindi lang nadadala ng hype. Kumbaga, maipakita talaga niya na 'aktor ako.' The fame is just part of the… parang bonus."
PHOTO/S: Instagram

Ang award-winning director at talent manager na si Jason Paul Laxamana ang nakatuklas sa kapwa niya Kapampangan na si Rabin Angeles.

Masaya si Jason dahil sa magagandang nangyayari sa showbiz career ng 23-year-old actor na sumikat sa Viva One original series na Ang Mutya ng Section E.

Bilang direktor na hindi nawawalan ng mga proyekto, may sapat na kakayahan si Jason na bigyan ng pelikula si Rabin, pero hindi pa ito nangyayari.

Read: Rabin Angeles still in disbelief at popularity of their show

Wala pa, ironically, di ba?" sabi niya sa Cabinet Files ngayong Miyerkules, Hunyo 11, 2025.

Patuloy ni Jason: "As his co-manager and parang discoverer, I am proud sa nararating niya ngayon.

"And ironically nga, wala pa kaming project na siya ang bida.

“Sabi ko nga kay Boss Vic [Del Rosario, CEO ng Viva Entertainment], ‘Sige, Boss, kapag sa tingin ninyo may opportunity na puwede kaming magka-work ni Rabin, tara.'”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JASON PAUL LAXAMANA ON DISCOVERING RABON ANGELES

Paano niya nakilala at naging talent si Rabin?

Kuwento ni Jason: “Yung nanay niya, e, follower ko sa Facebook kasi gumagawa ako ng Kapampangan skits sa Facebook.

"Si Rabin, influencer sa TikTok.

"Parang nag-express lang talaga siya ng interes na gusto niyang pasukin ang showbiz.

“As in ipinasok ko siya as extra. Dumadaan sa likod ni Diego Loyzaga at saka ni Sue Ramirez."

Ang tinutukoy ni Jason ang pelikula nina Diego at Sue na How To Love Mr. Heartless, na ipinalabas noong August 2022.

Pagpapatuloy niya: “Unti-unti, lumalaki yung role. Pina-sign ko siya ng contract sa Viva Artists Agency.

"Tapos, two years ko siyang minentor, pinag-workshop ko, acting, dancing.

“Itong Mutya ng Section E, nag-audition siya and pinalad siya na makuha.

"Now, he’s one of the hottest young stars."

Ano ang impression niya kay Rabin sa kanilang unang pagkikita?

“Ang na-impress ako, yung determination niya. Mapi-feel mo yung grit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Saka yung talagang galing sa puso niya na ‘Ito talaga yung pangarap ko.’

“He knows what he wants,” saad ni Jason.

Read: Rabin Angeles, walang pamasahe noon, may kotse na ngayon

FAME AND RECOGNITION

Libu-libo na ang mga taga-hanga ni Rabin mula nang mapansin ito sa Ang Mutya ng Section E kaya nararanasan na rin ni Jason na kulitin ng fans ng kanyang sikat na alaga.

Reaksiyon niya: “Okay yun. Proof na may nararating yung bata.

“Gusto ko mas mapatunayan pa niya yung sarili niya as a serious actor na, kumbaga, hindi lang nadadala ng hype.

“Kumbaga, maipakita talaga niya na 'aktor ako.' The fame is just part of the… parang bonus.

“Pangarap kasi ni Rabin yung parang mga bad-boy role so tingnan natin kung makakagawa tayo ng pang-GenZ or pang-GenAlpha na ganoon yung karakter.”

Bihira na raw makausap ni Jason si Rabin dahil sa dami ng mga ginagawa nito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hindi nga siya maka-seen sa mga message ko sa sobrang busy niya. Siyempre maagang calltime tapos uuwi, tulog.

“E, ako, ayoko naman manghimasok. Gusto kong magpahinga rin siya

“I am sure nao-overwhelm siya pero, ayun nga, pinangarap niya yun so he should learn kung paano maging artista.

"If ever he needs guidance, I am always here para i-consult niya,” pahayag ng director-talent manager.

Masayang-masaya si Jason para kay Rabin dahil bida na ito sa Mission Impossible: Seducing Drake Palma na mapapanood sa Viva One simula sa Hunyo 15.

Read: Rabin Angeles, title role sa series na Seducing Drake Palma

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director and talent manager Jason Paul Laxamana (left) on Rabin Angeles (right): “Gusto ko mas mapatunayan pa niya yung sarili niya as a serious actor na, kumbaga, hindi lang nadadala ng hype. Kumbaga, maipakita talaga niya na 'aktor ako.' The fame is just part of the… parang bonus."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results