"Medical emergency" ang sinabing dahilan kaya hindi natuloy ang paggi-guest ni Katrina Velarde sa 98 Degrees Live in Manila concert ng American vocal group na 98 Degrees sa Mall of Asia Arena, Pasay City, noong Mayo 30 at 31, 2025.
“We pray for Katrina’s speedy recovery as her health is our utmost priority,” bahagi ng opisyal na pahayag ng Viva Artists Agency kasabay ng announcement na si Jona ang papalit kay Katrina sa concert ng 98 Degrees.
Inamin ni Katrina noong Marso 2021 na sumailalim siya sa rhinoplasty o nose job sa pangalawang pagkakataon.
Pero makalipas ang apat na taon, nagkaroon ng kumplikasyon kaya ipinatanggal niya ang inilagay na silicone implant sa singer.
Read: Jona, kapalit ni Katrina Velarde sa 98 Degrees concert
KATRINA VELARDE'S "BALIK-PANGO" JOURNEY
Ikinuwento ni Katrina ang nangyari sa pamamagitan ng isang video post, na may caption na "Balik Pango," sa kanyang Facebook page noong June 9.
Pagtatapat niya: “After kong mag-post about sa hindi ako makaka-attend sa 98 Degrees and I have to cancel some commítments na dapat kakantahan ko, it’s because I need to have my nose implant removed as soon as possible.
"And it takes a while para mag-recover.
“Nagkaroon ako ng complications for years after malagay yung silicone implant sa ilong ko.
“Alam niyo naman din na very open ako sa mga ginagawa ko sa pagiging robot ko or pagiging android ko."
Read: Katrina Velarde proudly reveals “robot journey” after another cosmetic enhancement
Ayon kay Katrina, parehong nagkaroon ng kumplikasyon ang dalawang beses na pagsasailalim niya sa rhinoplasty.
"At first, I had Gore-tex, ni-reject din siya ng katawan ko, right ahead. I had it removed," pagtukoy ng singer sa materyal na kadalasang ginagamit sa rhinoplasty.

"Tapos itong pangalawa, ito na yung ngayon at nagkaroon na naman ng complications.
"So, it does really look like na very rare na hindi tinatanggap ng katawan ko ang mga implants or foreign objects.
“I went to Dr. Yappy to have it removed. And then, I did a very good recovery naman.
"Pero nung nakaraan, sobrang maga talaga ako. Hindi talaga kakayanin sa 98 Degrees kasi talagang puffy, maga lahat talaga."

Read: Katrina Velarde, pinatunayang walang epekto sa boses ang pagpapaayos ng ilong
Nagpasalamat si Katrina kay Jona dahil sa pagsalba nito sa kanya sa concert ng 98 Degrees.
Sabi niya: “But I was very thankful with Jona kasi siya yung nag-save sa akin.
"I actually went to the concert of 98 Degrees on their second night. They were very nice and then we talked about the collab we did, the 'I Do Cherish You.'
"It was very quick nung dumating ako, patapos na yung concert."
Hindi naapektuhan ng rhinoplasty procedure ang singing voice ni Katrina, pero may nararamdaman daw siyang pressure sa tuwing mataas ang tono ng kanyang mga kinakanta.
Pag-amin niya: “Hindi naman naapektuhan ang boses ko or what.
"Pero yun nga lang, kasi siyempre kapag matataas yung kinakanta ko, yung pressure nararamdaman ko pa rin siya.
"So, kailangan talaga wala [implants].
“So, thank you sa lahat ng mga nag-reach out sa akin. Sa mga nag-worry, okay lang ako mga besh.”
Read: Katrina Velarde, hindi inilihim ang pagsasailalim muli sa cosmetic surgery