Nanaig ang Pinoy Pride sa 78th Tony Awards na ginanap sa Radio City Music Hall, New York City, nitong Linggo ng gabi, June 8, 2015 (Lunes ng umaga, June 9, sa Pilipinas).
Ang Hawaiian-Ukrainian-Filipino na si Nicole Scherzinger ang itinanghal na Best Performance by a Leading Actress in a Musical para sa kanyang mahusay na pagganap sa karakter na Norma Desmond sa Sunset Boulevard.
Ang Filipino-American namang si Darren Criss ang nagwaging Best Performance by a Leading Actor in a Musical para sa kanyang pagganap sa Maybe Happy Ending.
Dumalo rin sa awards night ang Filipino Broadway star na si Lea Salonga bilang presenter ng Maybe Happy Ending, na nanalong Best Musical.
Read: Pagiging Fil-Am ni Darren Criss, na-highlight sa Netflix miniseries na Hollywood
NICOLE SCHERZINGER PROUD OF HER FILIPINO BLOOD
Sa pagwawagi ni Nicole ngayong taon, siya ang ikalawang Filipina na nagwagi sa kategoryang Best Leading Actress in a Musical.
Una ay si Lea na nanalo noong 1991 para sa kanyang pagganap bilang Kim sa Miss Saigon.
Filipino ang biological father ni Nicole na si Alfonso Valiente, pero inabandona siya nito sa edad na tatlo.
Ang adoptive Ukrainian father niyang si Gary Scherzinger ang nakagisnang ama ni Nicole.
Sa kanyang acceptance speech, hindi nakalimutang banggitin ni Nicole ang pagkakaroon niya ng dugong Pinoy.
Saad niya: “First of all, I just have to thank God for carrying me every step of the way. I give You all the glory.
“I am so honored to be recognized alongside with these exceptional warrior women in this category.
"I wanna thank all of you for making this little Hawaiian-Ukrainian-Filipino girl’s dream come true. So proud to represent.
“Growing up, I always felt like I didn’t belong. But you all have made me feel like I belong, and I have come home, at last.”
Read: What Nicole Scherzinger did during brief stay in Manila
LEA SALONGA
Gaya nina Darren at Nicole, Tony Award winner din si Lea.
Siya ang kauna-unahang Pilipino at Asian na nanalo ng Tony award.
Sa kanyang acceptance speech niya noon, inialay ni Lea ang natanggap na parangal sa mga Pilipino.
“This also goes to everybody back home who dreamed of winning a Tony,” bahagi ng mensahe ni Lea 34 taon na ang nakalilipas.