Ang Mercy For None ay ini-release sa streaming platform na Netflix noong Biyernes, Hunyo 6, 2025.
The following day, nag-number one agad ito sa Top 10 TV shows sa Netflix Philippines.
Ito ang K-drama action thriller series na pinangungunahan ng popular South Korean actor na si So Ji-sub.
Kasama rito ang Pinoy character actor na si Jonathan "Tanjo" Villoso, na hindi raw nakatulog noong Biyernes ng gabi.

Read:
Filipino actor Tanjo Villoso, kasali sa Netflix series ni So Ji Sub
South Korean actor So Ji Sub marries TV reporter Jo Eun Jung
SLEEPLESS NIGHT FOR TANJO VILLOSO
Sa unang eksena pa lang kasi, napanood na ang kanyang partisipasyon kaya sunud-sunod daw ang mga mensahe ng pagbati na natanggap niya.

Ang kuwento niya sa Cabinet Files: “Naku, hindi po ako nakatulog kagabi dahil sa kaka-reply sa mga comments.
"Until now, hindi pa po ako tapos mag-reply sa mga nagpapadala sa akin ng video mula sa iba’t-ibang bansa. Nakaka-proud po."
Si Tanjo ay gumaganap na lider ng gang na pumatay sa kapatid ng karakter na ginagampanan ni So Ji-sub.
Yes, may mga eksenang magkasama sila ng bida.
THE FIRST TIME TANJO VILLOSO MET SO JI-SUB
Pero alam niyo bang hindi raw agad nakilala ni Tanjo si So Ji-sub sa unang pagkikita nila sa set ng Mercy For None?
Hindi raw kasi siya pamilyar sa mga sikat na Korean actors.
"First impression ko po sa kanya, napakasimple lang niya. Hindi ko po alam na siya si So Ji-sub, pero nginitian niya ako at nakipag-handshake siya sa akin.
"Tinanong ko ang translator namin kung sino ang nakipagkamay sa akin at sinabi niya na, 'Iyan ang bida. Famous actor iyan. Napakasuwerte mo.'
"Nagulat po talaga ako kaya parang nawala na ako sa sarili ko."

Ilan sa mga sumikat na series ni So Ji-sub ay ang I'm Sorry, I Love You (2004), Master's Sun (2013), Oh My Venus (2015), My Secret Terrius (2018), to name a few.
Nag-umpisa noong 2008 ang acting career ni Tanjo bilang character actor.
Sa tanang buhay niya, noong Huwebes, Hunyo 5, lamang siya nakaranas na maisulat ng entertainment press.
Unang lumabas sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ang kanyang partisipasyon sa Mercy for None.
Lubos ang kanyang pasasalamat dahil nataon pang magdiriwang siya ng kaarawan sa Hunyo 23.
Bulalas niya, "Ang ganda naman po ng pa-birthday sa akin ng PEP!"
MEET THE PEOPLE WHO HELPED TANJO VILLOSO SECURE THE ROLE
Si Ruby Cuevas ang manager ni Tanjo.
Nagsimula ang kanilang talent-manager relationship noong 2020.
Ang kuwento ni Ruby: "He started out as a stuntman then bit roles. He wanted to do more.
"I saw his potential kaya I signed him up. Kinuha namin siya for John en Ellen," ang defunct TV5 sitcom nina John Etrada at Ellen Adarna.
Dagdag ni Ruby: "He’s been working on his acting, and, so far, napapansin na siya sa mga international project tulad ng commercial sa Singapore."
Nagmukha talagang Koreano si Tanjo sa Mercy For None kaya walang mag-aakalang isa pala siyang Pilipino.
Lubos ang pasasalamat ni Tanjo sa lahat ng mga ginagawa ni Ruby para sa kanyang acting career.
Nais din niyang bigyang-pugay si Shine Ricaforte, na siyang dahilan kaya nakasama siya sa cast ng Mercy For None.
"Si Ma’am Shine po ang nag-push sa akin. Siya ang nag-process ng papers na kailangan ko papunta sa South Korea. Nagtulong po sila ni Ma’am Ruby,” ang sabi ni Tanjo.