Ang pelikulang Out of Order ang directorial debut ni Alden Richards.
Gagamitin niya rito ang kanyang tunay na pangalan: Richard Faulkerson Jr.
Kumusta siya bilang si Direk Richard?
Nakapanayam ng Cabinet Files ngayong Sabado, Hunyo 7, 2025, si Andrea del Rosario, na kabilang sa cast ng Out Of Order.
Panay ang papuri ng aktres kay Alden bilang direktor.
Aniya, "He’s really a nice person. I am honored to be part of Out Of Order. I’m hoping to get more projects like this.
"Nakaka-inspire si Alden.
"What became obvious was how much he loves his work, the people he works with, on and off camera and his craft."

Read:
Alden Richards reveals 2024 was his “lowest year"
Heaven Peralejo may gagawing proyekto with Alden Richards ngayong 2024
OUT OF ORDER FILM RELEASE
Pero hindi pa ito mapapanood ng mga Pilipino.
Dati nang nasabi ni Alden na isasali muna niya ito sa apat na international film festivals.
Ayon sa panayam niya sa Cabinet Files ilang buwan na ang nakalilipas: "Out Of Order is coming out this year, and I am really proud to say that it’s gonna be competing in four international film festival this year also before we air it on Netflix.”
Noong nakaraang linggo, inilabas ang official poster ng proyektong nagbigay ng life-changing experience sa aktor.

Kasabay nito ang magandang balita: kalahok ito sa Da Nang Asian Film Festival (DANAFF) ng Vietnam.

OUT OF ORDER JOINS DANAFF IN VIETNAM
Ang Vietnam Film Development Association at Da Nang People’s Committee ang nasa likod ng 3rd edition na may temang "Bridging Asia" at magaganap mula Hunyo 29 hanggang Hulyo 5, 2025.
Sa press conference na nangyari noong Hunyo 3, inanunsiyo nilang mahigit 100 ang bilang ng mga pelikulang mapapanood sa nabanggit na film festival.
Ayon naman sa website, may dalawang main categories ang DANAFF: Asian Film at Vietnamese Film.
Ang mga awards ay: "Best Film, Director, Actor, Screenplay and Special Jury Prize."
Lahat daw ng winners nito ay may premyo na ang total value ay "up to hundreds of millions of VND and thousands of US dollars."
Mayroon ding tatanghalin na NETPAC Awards and Audience Favorite Awards, pero wala raw matatanggap na prize money ang mga awardees nito.
Ang DANAFF ang isa sa apat na tinukoy ni Alden, na excited marinig ang feedback sa proyektong ipinagkatiwala sa kanya ng Viva Films.
Kasama niya sa Out of Order sina Heaven Peralejo at Nonie Buencamino.