Reunion ng mga batang ‘90s ang two-night concert ng 98 Degrees Live in Manila sa Mall of Asia Arena.
Napanood ng Cabinet Files ang pagtatanghal kagabi, Biyernes, Mayo 30, 2025.
Ongoing ngayong gabi ng Sabado, Mayo 31, ang second night.

Ang Viva Records, Viva Artists Agency, at ang Myriad Entertainment ni Alden Richards ang mga producers ng muling pagtatanghal sa Pilipinas ng 98 Degrees, na kinabibilangan nina Jeff Timmons, Justin Jeffre, at ang magkapatid na sina Nick at Drew Lachey.
Read: 98 Degrees, may special connection sa Pilipinas
Paulit-ulit na sinabi ng mga members na malaki ang ambag ng bansa sa pagsikat ng kanilang grupo.
Matatandaang naging popular ang 1998 song nilang "Because of You," na madalas patugtugin sa mga radyo at kantahin ng mga artista sa variety shows.
Ang "I Do" naman ay isa sa most-watched videos sa defunct MTV Philipines nung late '90s at naging paboritong wedding song.
Read: Jona, kapalit ni Katrina Velarde sa 98 Degrees concert
98 Degrees Repertoire
Ganadong-ganado at walang kapagurang kumanta at sumayaw sina Nick, Drew, Jeff, at Justin.
Tila naging dde to late '90s at early 2000s ang concert dahil kasama sa set nila ang mga hit songs na "Oops! I Did It Again" (2000) ni Britney Spears, "I Wanna Dance with Somebody" (1987) ni Whitney Houston, "Livin’ La Vida Loca" (1999) ni Ricky Martin, "Tearin’Up My Heart" (1997) ng NSYNC, at "Larger Than Life" (1999) ng Backstreet Boys.
Sa loob ng halos dalawang oras, pinasaya ng grupo ang crowd na karamihan ay nasa 30s at 40s ang edad.
98 Degrees SPECIAL GUESTS
Sina Janine Tenoso at Jona ang mga special guests.
Ipinamalas ng dalawa ang kanilang world-class talent sa pagkanta, na umani ng malakas na palakpak mula sa crowd.
Si Jona ang ipinalit kay Katrina Velarde, na nagkaroon ng medical emergency kaya hindi natuloy ang kanyang partisipasyon sa concert.

Kasama ang 98 Degrees, inawit ni Jona ang "I Do (Cherish You)."
Isinalin sa Filipino ang mga stanza na kinanta ng Kapamilya singer, at nakaka-amaze ang pagbirit niya sa huling chorus.

Wala ring kupas ang blending ng 98 degrees. Ang live renditions nila ay halos kagaya pa rin ng recorded versions.
Ang "Rolling in the Deep" ni Adele at ilang singles mula sa album ng grupo na Full Circle, released early this May, ang kinanta nila with Janine.

Again, worthy rin ito ng masigabong palakpakan.
Overall, nakakabilib pa rin ang 98 Degrees, na magse-celebrate ng 30th anniversary sa music scene next year.
Congrats!