PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

CJ Opiaza, bagong Miss Grand International 2024?

MGI owner Nawat Itsaragrisil, nagbigay-pahiwatig sa pagsasalin ng-korona kay CJ.
by Jojo Gabinete
Published May 29, 2025
cj opiaza miss grand international 2024
CJ Opiaza (in photo) is about to be announced as the new Miss Grand International 2024 after Rachel Gupta of India was allegedly dethroned by the MGI Organization.
PHOTO/S: @cjopiaza on Instagram

Hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang Miss Grand International (MGI) Organization tungkol sa desisyon nilang isalin kay Christine Juliane "CJ" Opiaza ang korona at titulong Miss Grand International 2024, pagkatapos itong bawiin mula kay Rachel Gupta ng India.

Pero nauna nang nagbigay ng pahiwatig si MGI President Nawat Itsagrisil.

Si CJ ang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Grand International 2024 na idinaos noong Oktubre 25, 2024 sa Bangkok, Thailand.

Siya ang nagwaging first runner-up.

Read: CJ Opiaza finishes 1st runner-up in Miss Grand International 2024

Noong Miyerkules, Mayo 28, inanunsiyo ni Rachel na nagbitiw siya bilang Miss Grand International 2024.

Ayon sa Indian beauty queen, ibabalik niya ang korona dahil sa mga hindi natupad na pangako, "toxic environment," at hindi wastong trato sa kanya ng MGI.

Pero sa official statement ng MGI,” failure to fulfill her assigned duties” ang nakalagay na dahilan ng pasyang bawiin ang korona at karangalang kanilang ipinagkaloob kay Rachel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Komento pa ni Nawat tungkol kay Rachel, “She is not ready to work and [a] troublemaker.”

Read: Miss Grand International 2024 Rachel Gupta: resigned or dethroned?

IS CJ OPIAZA THE NEW MISS GRAND INTERNATIONAL 2024?

Limang oras matapos ilabas ng MGI ang kanilang official statement tungkol sa dethronement kay Rachel, ibinahagi ni Nawat sa social media ang teaser video na nagpapahiwatig na isasalin nila ang Miss Grand International 2024 crown kay CJ.

Caption nila rito: “Right person and Real queen coming soon.”

Sa tuwing idinaraos ang koronasyon ng Miss Grand International, matitindi ang mga batikos ng Pinoy beauty pageant fans laban kay Nawat dahil hanggang first runner-up lamang ang panalo ng mga kandidatang ipinadadala ng Pilipinas.

Madalas pinararatangan si Nawat na pinaiiral ang pagkakaroon ng favoritism sa mga kandidata at siya raw ay "anti-Filipino."

Higit pa rito, inaakusahan ding isang “cooking show” ang international beauty pageant na itinatag niya noong 2013.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong 2022, bumisita si Nawat sa Pilipinas.

Pinaghihinalaang ito ang solusyon niya para suyuin ang mga nagagalit sa kanyang mga Pilipino na avid beauty pageant supporters.

Hindi nagtagumpay si Nawat dahil nagpatuloy ang mga batikos sa kanya.

Read: Miss Grand International founder Nawat Itsaragrisil apologizes to Pinoy pageant fans

Pero sa isang iglap, napalitan ng mga papuri ang pagkamuhi sa kanya dahil mukhang ibibigay na ng MGI kay CJ ang mailap na korona.

Kung saka-sakali, si CJ ang kauna-unahang Pilipina na kokoronahang Miss Grand International — na hindi sana mangyayari kung hindi nagkaroon ng problema ang MGI kay Rachel Gupta.

May limang buwan pa si CJ para gampanan ang mga tungkulin niya bilang Miss Grand International 2024 titleholder dahil natakda ang koronasyon ng Miss Grand International 2025 sa Bangkok, Thailand, sa Oktubre 18, 2025.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
CJ Opiaza (in photo) is about to be announced as the new Miss Grand International 2024 after Rachel Gupta of India was allegedly dethroned by the MGI Organization.
PHOTO/S: @cjopiaza on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results