PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

First Lady Liza Marcos may tulong-pinansiyal kay Ricky Davao

Tulong-pinansiyal, ibinigay ng Unang Ginang, ayon isang Davao family friend.
by Jojo Gabinete
Published May 25, 2025
Liza Araneta-Marcos, Ricky Davao
First Lady Liza Marcos (kaliwa), nagbigay ng tulong-pinansiyal sa naiwang pamilya ng yumaong aktor na si Ricky Davao (kanan).
PHOTO/S: PEP FILE

Noong Abril 27, 2025, lumabas ang anunsiyo ni Presidential Communications Office Senior Undersecretary Ana Puod na nagbigay sina Presidente Ferdinand Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos ng pera sa naulilang pamilya ng Superstar na si Nora Aunor.

Personal na pera ng First Couple ang kanilang ibinigay, pahayag pa ng PCO senior undersecretary.

Dahil dito, nakasama ang presidential couple sa mga taga-showbiz—mga indibiduwal at mga kumpanya—na nauna nang nagbigay ng tulong-pinansiyal sa National Artist for Film and Broadcast Arts actress na pumanaw noong Abril 16, 2025.

Naratay si Nora sa isang pribadong ospital, pero kahit nakakatanggap ito ng benepisyo bilang pambansang alagad ng sining—P750,000 ang cap kada taon para medical; P50,000 naman kada buwan para sa pampersonal na pangangailangan—hindi ito naging sapat para mabayaran ang kanyang mga gastusing medikal.

Read: President, First Lady pay off Nora's debts and expenses—PCO exec


FIRST LADY EXTENDS PERSONAL HELP TO RICKY DAVAO

Ngayon ay isang mapagkakatiwalaang source ang nagparating sa Cabinet Files ng impormasyong tumulong din si First Lady Liza sa pumanaw na aktor na si Ricky Davao.

Kinumpirma ito ng isa pang source na nasa loob ng sirkulo ng well-loved aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa unang source, galing din daw sa sariling bulsa ang tulong ni Mrs. Marcos matapos nitong malamang malaki ang bayarin ng pamilya Davao sa maraming buwang pagkaratay ng aktor sa isang pribadong ospital sa Taguig City.

Read: Ricky Davao dies at 63

FIRST LADY making moves to get CLOSER TO THE ENTERTAINMENT INDUSTRY?

Tila ito ay kasama sa mga senyales na kumikilos ang First Lady upang mas mapalapit sa Philippine entertainment industry.

Bago pa mamatay sina Nora at Ricky, marami ang natuwa sa ipinamalas ni Mrs. Marcos na malasakit sa industriya nang makipagpulong ito bandang Pebrero 2024 sa movie producers.

Kasama pa riyan ang usap-usapang suportado nito ang Film Development Council of the Philippines, na napatotohanan ng mga salita ng pasasalamat at papuri ni FDCP Chairman Jose Javier Reyes sa First Lady.

Sinabi ng FDCP chair, sa interbyu nito ng Abril 4, 2025 sa programa ni Atty. Karen Jimeno, na nagbigay ang pamahalaan ng pambili ng "film restoration machine."

Ito ay balitang nakakalugod sa industriya, lalo na ngayong taon na nagsara na ang Sagip Pelikula ng ABS-CBN—ang tanging pribadong grupong nagbuhos ng milyon-milyon sa pag-remaster ng lumang Filipino films—dahil sa pagkaka-deny ng prangkisa nito ng rehimeng Rodrigo Duterte.

Noong Oktubre 2024 naman, direktang nanawagan ang First Lady sa taumbayan para suportahan ang local movie industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi nito: “Now, more than ever, it's crucial to rally behind our local film industry. Our filmmakers are telling stories that need to be seen, not just here — but across the globe.

''Let's celebrate these incredible talents, and show the world what Filipino cinema is truly made of!''

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
First Lady Liza Marcos (kaliwa), nagbigay ng tulong-pinansiyal sa naiwang pamilya ng yumaong aktor na si Ricky Davao (kanan).
PHOTO/S: PEP FILE
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results