Aprubado ng city council ng Iriga, Camarines Sur, ang ordinansang ideklara ang petsang Mayo 21 bilang Nora Aunor Day.
Ito ay dahil sa malaking ambag sa Philippine entertainment ng pumanaw na Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor.
Isinilang si Nora sa Iriga City noong Mayo 21, 1953.
Para kay Iriga City Councilor Nikki Lagrimas, karapat-dapat kilalaning Nora Aunor Day ang May 21 dahil sa mga kontribusyon ng aktres sa bansa bilang nag-iisang superstar.
Read: Mga di malilimutang kaganapan sa pagpanaw ni Nora Aunor
Hindi ang city council ng Iriga City ang unang nagdeklara sa araw ng pagsilang ni Nora bilang Nora Aunor Day.
Noong May 21, 2004, nilagdaan ni former Mayor Gavin Newsom ng San Francisco, California, ang proklamasyong gawing Nora Aunor Day sa kanilang siyudad ang naturang petsa dahil sa mga tagumpay ng aktres bilang alagad ng sining.
SUSHMITA SEN CROWNED MISS UNIVERSE ON MAY 21, 1994
Kung malaki ang pagpapahalaga ng mga tagahanga ni Nora o ng Noranians sa araw ng kanyang pagsisilang, hinding-hindi rin malilimutan ni Sushmita Sen ng India ang petsang Mayo 21.
Ito ang araw na tinanghal siyang Miss Universe 1994 sa koronasyon na idinaos sa Plenary Hall ng Philippine International Convention Center sa Pasay City.
Makalipas ang tatlumpu’t isang (31) taon, muling binalikan ni Sushmita sa pamamagitan ng isang appreciation post ang araw ng kanyang tagumpay na nagpabago sa takbo ng buhay niya.
Read: Sushmita Sen, inalala ang kanyang Miss Universe 1994 win
Saad niya sa kanyang caption (published as is): “A historical win that introduced an 18yr old indian girl to the Universe!!!
“Opening up a world of possibilities, highlighting the strength of hope, the power of inclusion, the generosity of love…
“To travel the world & to have the privilege of meeting some of the most inspiring people…life defining for sure!!!
"Thank you God, Maa @subhra51 & Baba @sensubir.
“Happy 31st Anniversary of India’s first ever victory at Miss Universe!!! To have the honour of representing my country, I will proudly cherish forever!!!
“Happy 31st also to my loved ones in the Philippines & to you my darling @carogomezfilm [Carolina Gomez ng Colombia, ang first runner-up ni Sushmita sa Miss Universe 1994].
“Here’s to dreams, the impossible kinds…for I know, the UNIVERSE conspires in our favour!!”
View this post on Instagram
Mahal ng mga Pilipino si Sushmita, na itinuturing na pangalawang tahanan ang Pilipinas dahil dito siya nagwagi bilang kauna-unahang Miss Universe winner mula sa India.