PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Josh Ford, napanaginipan ang mga pumanaw na kaibigan

Josh Ford, hindi pa rin lubusang nalalagpasan ang nangyaring trahedya.
by Jojo Gabinete
Published May 19, 2025
josh ford fast talk with boy abunda
Josh Ford on his friends who passed away in a vehicular accident with him: “I just want them to be happy sa mga ginagawa ko. I just want them to see me on TV. Kasi they never saw me on TV so... alam po nilang artista ako but never po nila ako nakikita online. So it would be nice for them to see me now.”
PHOTO/S: GMA Network

Nagpakita na sa panaginip ni Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition ex-housemate Josh Ford ang kanyang tatlong kaibigan na nasawi sa malagim na aksidenteng nangyari noong Marso 24, 2023.

Nakaranas ng trauma si Josh dahil sa apat na pasahero ng kanilang sasakyan na bumangga sa pader ng isang subdivision sa Commonwealth, Quezon City, siya lamang ang nakaligtas.

Ang kapwa Sparkle teen actor na si Andrei Sison at ang kanilang mga kaibigan nilang sina Paolo Bueza at Arman Velasco ang mga nagbuwis ng buhay sa aksidente.

Read: Sparkle artist Andrei Sison, 17, dies in car accident

“Nagpaalam sila sa akin,” rebelasyon ni Josh nang makausap siya ng Cabinet Files pagkatapos ng guesting niya sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Lunes, Mayo 19, 2025.

Hindi mapigilan ni Josh na mapaiyak sa tuwing napag-uusapan ang naganap na trahedya, na dahilan para sumailalim siya sa professional counselling at huminto sa pagmamaneho ng sasakyan sa loob ng anim na buwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Sparkle artist Josh Ford, patuloy ang therapy matapos ang kinasangkutang aksidente

JOSH FORD ON ANDREI SISON'S FATHER

Sa panayam ng Cabinet Files sa ama ni Andrei na si Marco Salvador noong Marso 24, 2025, nabanggit nitong nahiya si Josh sa kanya nang magkita sila sa isang pagtitipon.

Lahad ni Marco: “Sabi ko sa kanya, 'Huwag mo nang isipin yon. Okay na yon.'

"Sa burol ni Andrei kami unang nagkita ni Josh. Nalungkot siya, napaiyak."

Nang sabihin ng Cabinet Files kay Josh ang kuwento ni Marco, inamin ng young actor na nagsabi siya ng “sorry” sa ama ng kanyang namayapang kaibigan.

Pero paglilinaw niya: “Hindi yung pagso-sorry na, parang, what happened. Sobrang sorry for the loss, as in condolence po talaga, kasi he [Andrei] became a best friend.”

Read: Marco Salvador, ginunita ang second death anniversary ng anak na si Andrei Sison

JOSH FORD STILL FEELS THE LOSS

Sa panayam sa kanya ni Boy Abunda, maraming beses pinigilan ni Josh ang pagpatak ng luha dahil isa sa mga paksa nila ang kanyang mga nasawing kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
josh ford fast talk
Josh Ford trying to hold back his tears during his interview on Fast Talk With Boy Abunda.
Photo/s: Jojo Gabinete

Madamdaming pahayag ni Josh: “Up to this day, even if it’s two years already, ang bigat pa rin po sa pakiramdam.

“I live alone and sila po yung lagi kong kasama sa bahay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ngayon, it’s just hard kasi nasanay po ako na nandiyan sila. I just have to really focus on what I am now.

“Palagi ko silang ikukuwento, hindi ko sila makakalimutan.

“I talk to them whenever I pray and whenever I see them, sa mga puntod nila. They’re cremated.

“I just want them to be happy sa mga ginagawa ko. I just want them to see me on TV.

"Kasi, they never saw me on TV so... alam po nilang artista ako but never po nila ako nakikita online.

“So it would be nice for them to see me now.”

Read: Ralph de Leon, Josh Ford fourth evictees in PBB: Celebrity Collab

Sa huli ay may mensahe si John para sa kanyang mga pumanaw na kaibigan.

“I wanna say a big thank you kasi I wouldn’t be Josh Ford if it wasn’t for them. Ang dami kong natutunan sa kanila.

"To be just me, to be genuine, and to be just myself. Na kahit anong mangyari, dapat happy lang, pare.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, I miss them loads and I wanna tell them na itutuloy ko yung mga pangarap namin. That’s my promise…

Dagdag ni Josh: “I am sorry that they’re gone, but I dunno how to say sorry.

"Wala naman po akong kasalanan with what happened. But siyempre, sorry lang na sana magkakasama pa rin tayo…"

Read: Sparkle Teens recall fondest memories with the late Andrei Sison

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Josh Ford on his friends who passed away in a vehicular accident with him: “I just want them to be happy sa mga ginagawa ko. I just want them to see me on TV. Kasi they never saw me on TV so... alam po nilang artista ako but never po nila ako nakikita online. So it would be nice for them to see me now.”
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results