Limang pirasong sushi rolls ang nilantakan ni Winwyn Marquez pagkatapos ng koronasyon ng Miss Universe Philippines 2025 sa Mall of Asia Arena noong Mayo 2, 2025.
Ikinuwento ni Winwyn sa Cabinet Files na winakasan niya ang pagdidiyeta makaraang tanghalin siya bilang first runner-up sa national beauty pageant na kanyang sinalihan.
Ang nagbigay raw sa kanya ng sushi rolls ay ang kapatid ng partner niyang si "Rayn."
Si Winwyn ang kinatawan ng Muntinlupa City sa Miss Universe Philippines 2025.
Ayon din sa actress-beauty queen, ang pamahalaan ng Muntinlupa ang gumastos sa kanyang ginamit na national costume at sa mga kailangan sa video.

Nagkaroon ng pagkakataon ang Cabinet Files na makausap si Winwyn matapos ang panayam sa kanya sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Huwebes ng hapon, Mayo 15.
Read: Winwyn Marquez ends pageant journey after MUPH 2025
WINWYN WELL LOVED BY MUPH 2025 CANDIDATES
Sa panayam naman sa kanya ni Boy Abunda, binanggit ng TV host na sa 69 candidates ng Miss Universe Philippines 2025 ay napag-alaman niyang si Winwyn ang isa sa pinakamamahal ng mga kandidata.
Patunay nito ang paglapit agad sa kanya ng ibang candidates pagkatapos iputong ang Miss Universe Philippines 2025 crown kay Ahtisa Manalo.
Kuwento ni Winwyn: “Tapos na po kasi yung coronation. We were lined up.
"I was looking back with the other candidates na nasa likod. Siyempre, I formed a relationship with them.
“Pagtalikod ko, naisip ko, gusto ko silang puntahan. Gusto ko silang kumustahin. Gusto ko silang kausapin kung okay ba sila.
“Nung palakad pa lang ako, sila na mismo yung lumapit sa akin at niyakap ako.
"I think, dun lang po talaga ako umiyak. Hindi dahil hindi ko nakuha yung korona.
"Dun ako naiyak because they told me na, ‘Ate, thank you for being our ate.’"
Napansin din ng publiko ang kaligayahan sa mukha ni Winwyn nang ianunsiyong si Ahtisa ang nagwaging Miss Universe Philippines 2025.
Read: Ahtisa Manalo of Quezon Province crowned MUPH 2025
Paliwanag ni Winwyn tungkol dito: “We all wanted to win the Miss Universe crown, but alam ko na it’s destiny for one person, and that’s Ahtisa.
"I want to celebrate other people’s success. That’s me, ganoon ako pinalaki.
“You know, we live in a world that’s so unkind already, and the least we can do is to uplift others, and I want to see someone happy in their moment.
"And kung sana, mangyari sa akin yung time ko, again, not just in pageant, I hope they celebrate it with me, with the same heart.”
Read: Ahtisa, Winwyn encourage supporters to vote if they have "extra"