Ang imbestigasyon ng mga tauhan ng Station 10 ng Quezon City Police District tungkol sa "pagkawala" ng VMX star na si Karen Lopez ang itinuturong dahilan ng kanyang "biglang paglitaw" noong Miyerkules, Mayo 14, 2025.
Read: Pagkawala ng VMX star na si Karen Lopez, pina-blotter na
Sa kanyang Facebook post, inilahad ni Lopez na kailangan niyang magpahinga at mag-focus sa sarili dahil sa kanyang mabigat na pinagdaraanan—mentally at emotionally.
Read: VMX star Karen Lopez issues apology for sudden disappearance
karen lopez "RUMAKET" noong "nawawala"?
Pero may ibang kuwento tungkol sa mahiwagang paglalaho ni Lopez.
May mga nagsasabing nakita siyang nagtanghal sa isang bayan sa Samar, kasama ang kanyang boyfriend, noong araw na mapaulat ang pagkawala niya.
Nalaman ng publiko na nawawala si Lopez dahil sa manager nitong si Lito de Guzman.

Nanawagan si Lito noong Mayo 7 tungkol sa VMX star na may shooting ng araw na iyon para sa pelikulang Maalikaya pero hindi matagpuan.
"Nawawala si Karen Lopez bakit 12-hours na syang di nasagot my shooting sya today! Scared na kami!" ang Facebook post ni De Guzman.

Si Roman Perez Jr. ang direktor ng Maalikaya.
At dahil hindi sumipot si Karen sa shooting, napilitan si Direk Roman na baguhin ang kuwento ng pelikula para makaiwas sa malaking gastos ang produksyon.
KAREN LOPEZ SPOTTED WITH BOYFRIEND, SAYS POLICE
Sa imbestigasyon ng Station 10 ng QCPD, huling nakita si Lopez noong Mayo 6, kasama ang boyfriend niya.
Base ito sa CCTV footage na kuha mula sa condominium building sa Quezon City, na tinitirhan ng sexy star na napansin dahil sa kanyang “disappearing act.”
Sinabi ng mga nag-imbestiga na walang pormal na ulat o reklamong inihain sa mga himpilan ng pulisya ng QCPD ang mga kamag-anak ni Lopez.
Taliwas ito sa pahayag ng kampo ni Karen na ipina-blotter ng kanyang ina ang pagkawala niya.
May dapat ipaliwanag si Karen tungkol sa dalawang bersiyon ng kuwento ng kanyang ilang araw na "pagkawala."
Kapag napatunayang “rumaket “ lamang si Lopez sa isang lugar sa Samar, at hindi totoong dumanas ng mental at emotional challenges, imposibleng hindi maapektuhan ang kredibilidad niyang tiyak na palagi na lamang pagdududahan.