Naghahanap ang Bubble Gang ng aspiring comedians na nangangarap maging miyembro ng longest-running gag show ng Pilipinas na napapanood sa GMA-7.
Gugunitain ng Bubble Gang ang ika-30 anibersaryo nito sa Oktubre 2025.
Ang pagdadagdag ng mga baguhang komedyante sa cast ang isa sa mga paraan ng pagdiriwang nila.
Para sa mga interesadong maging bahagi ng BBLGANG ng Bayan, magkakaroon ng audition para sa aspiring comedian sa Studio 6 ng GMA Annex sa GMA Network Drive, Quezon City, Lunes, Mayo 19, 2025.
Nakakatawa, mahusay magpatawa, at may edad na 18 hanggang 30 ang puwedeng lumahok sa audition na mag-uumpisa mula alas-diyes ng umaga hanggang ala-singko ng hapon.
Read: Michael V, excited na mag-guest si Vice Ganda sa Bubble Gang
Sa panayam ng Cabinet Files kay Bubble Gang Senior Program manager Cecille Rupita- De Guzman, sinabi nito: “Bubble Gang is celebrating its 30th anniversary this October.
"Kasabay ng celebration ay ang pagbukas ng programa sa mga bagong ka-Bubble kaya ngayon pa lang, mag-uumpisa na ang auditions para sa hopefuls na maging member ng Bubble Gang na tinawag naming BBL GANG ng Bayan.
“Open ang auditions sa lahat ng 18-30 years old, walang existing contract with any network — puwede ang fresh talents, content creators, vloggers etc.”
Read: 'Bubble Gang', lilipat ng timeslot; magtatanggal at magdadagdag ng cast members
BUBBLE GANG TURNS 30
Noong 2018, 23 ang bilang ng mga artista ng Bubble Gang.
Ngayong 2025, sampu na lamang ang mainstays ng sikat na gag show ng Kapuso Network.
Unang napanood ang Bubble Gang sa GMA-7 noong Oktubre 20, 1995.
Kabilang sa former cast ng gag show sina Ogie Alcasid, Wendell Ramos, Toni Gonzaga, Ara Mina, Sunshine Cruz, Assunta de Rossi, Rufa Mae Quinto, Maureen Larrazabal, Amanda Page, at Diana Zubiri.
Sa kasalukuyan, sina Michael V., Paolo Contis, Kokoy de Santos, Betong Sumaya, Buboy Villar, Chariz Solomon, Ana Barro, Cheska Fausto, EA de Guzman, at Matt Lozano ang regular cast ng BBLGANG.
Read: Paolo Contis on axed Bubble Gang cast members: "We're not taping friends. We're friends."