PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bong Revilla, nag-concede sa pagkatalo sa senatorial race?

Bong Revilla, binura ang post na naglalaman ng kanyang pasasalamat.
by Jojo Gabinete
Published May 13, 2025
bong revilla 2025 elections
Senator Bong Revilla: "Sa kabila ng ‘di natin inaasahan, nag-uumapaw sa pasasalamat ang aking puso sa inyong patuloy na pagmamahal at suporta. Sa ating sama-samang pag-ikot sa buong bansa, hinding-hindi ko malilimutan ang bawat matamis na ngiti, mahigpit na yapos, at mainit na pagsalubong."
PHOTO/S: Jerry Olea

Pasado alas-tres ng hapon nitong Martes, Mayo 13, 2025, nang ibahagi ni Senator Bong Revilla Jr. sa official Facebook account niya ang mensahe para sa kanyang mga tagasuporta kaugnay ng isinagawang mid-term elections nitong Mayo 12.

Pero makalipas lamang ang ilang minuto, nabura na ang post niya na naging palaisipan sa mga nakabasa.

Nabura man ang Facebook post ni Revilla, mabilis itong na-screenshot ng ilang netizens at ibinahagi sa social media.

Naglalaman ito ng mensahe ng senatorial candidate matapos lumabas ang resulta ng halalan.

Base sa unofficial tally na inilabas ng Commission on Elections (COMELEC), nasa ika-14 puwesto lamang ang actor-politician.

Dahil Top 12 lamang ang tatanghaling panalo sa senatorial race ay nangangahulugang hindi na siya magpapatuloy para sana sa kanyang ikalawang termino bilang senador.

Read: How did celebrities fare in the 2025 elections?

BONG REVILLA'S DELETED FACEBOOK POST

Sa kanyang burado nang mensahe, pinasalamatan ni Revilla ang mga kababayang patuloy na nagbigay sa kanya ng pagmamahal at suporta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hiniling din niyang magkaroon ng pagkakaisa ang lahat pagkatapos ng halalan na naganap noong Lunes.

Buong mensahe ni Revilla: “Maraming Salamat po mga kababayan!

"Sa kabila ng ‘di natin inaasahan, nag-uumapaw sa pasasalamat ang aking puso sa inyong patuloy na pagmamahal at suporta.

“Sa ating sama-samang pag-ikot sa buong bansa, hinding-hindi ko malilimutan ang bawat matamis na ngiti, mahigpit na yapos, at mainit na pagsalubong.

"Nakaukit sa akin ang inyong tiwala; gayundin ang bawat patak ng pawis at sakripisyo ng bawat isa na tumulong at nagsikap sa ating pangangampanya.

Ang paglilingkod ay isang pribilehiyo mula sa inyo at sa Panginoon, at atin laging pinapa-sa-Diyos ang ating tinatahak.

“Mula nang ako’y pumalaot sa paglilingkod-bayan 30 years ago, lagi kong sinasabi na ang pulitika ay dapat 90 days lang sa nasyunal at 45 days lang sa lokal.

“Nawa, ngayong tapos na ang panahong ito, makita natin sa ating mga sarili na muling magkaisa sa ilalim ng iisa nating bandila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Muli, ang aking taus-pusong pasasalamat! Mabuhay ang Pilipinas!”

Read: Celebrities who lost in 2025 elections concede defeat

bong revilla facebook post
The now-deleted Facebook post of Senator Bong Revilla.
Photo/s: Ramon Bong Revilla Jr. Facebook

Kabilang si Revilla sa senatorial slate ng administrasyong President Ferdinand E. Marcos at sa ilalim ng partidong Lakas-CMD.

Kung nanganganib na matalo si Revilla sa pagka-senador, panalo naman sa lalawigan ng Cavite ang ilan sa kanyang mga kaanak.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang misis niyang si Lani Mercado-Revilla ay nanalo bilang representative sa Second District ng Cavite.

Ang anak nilang si Jolo Revilla ay nagwagi muli bilang congressman sa First District.

Samantala, ang anak ni Bong na si Ram Revilla Bautista ay nahalal bilang vice-governor ng Cavite.

Si Bong Revilla ay unang nahalal bilang senador noong 2004. Tumagal ang kanyang termino hanggang 2016.

Muli siyang tumakbo at nanalong senador noong 2019.

Read: Bong Revilla, hindi pa umano oras kaya nakaligtas sa kapahamakan

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Bong Revilla: "Sa kabila ng ‘di natin inaasahan, nag-uumapaw sa pasasalamat ang aking puso sa inyong patuloy na pagmamahal at suporta. Sa ating sama-samang pag-ikot sa buong bansa, hinding-hindi ko malilimutan ang bawat matamis na ngiti, mahigpit na yapos, at mainit na pagsalubong."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results