PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rhian Ramos at Sam Verzosa, sabay na bumoto sa Maynila

Rhian Ramos, registered voter na ng Maynila.
by Jojo Gabinete
Published May 12, 2025
rhian sam 2025 elections
Kapuso actress Rhian Ramos, now a registered voter of Manila, accompanied boyfriend mayoral candidate Sam Verzosa at Legarda Elementary School to cast their votes. Right photo shows the couple with Sam's mother, Nina Verzosa.
PHOTO/S: Sam Verzosa Facebook

Hindi natapos sa pagtulong sa pangangampanya ang suporta ni Rhian Ramos kay Sam Verzosa dahil sumama rin siya sa pagboto ng kanyang kasintahang kandidato bilang alkalde ng lungsod ng Maynila.

Hindi basta kasama ni Sam si Rhian sa Legarda Elementary School ngayong Lunes, Mayo 12, 2025, dahil bumoto rin ang aktres sa poll precinct na pinuntahan nila.

Ito ang kumpirmasyong residente na ng Maynila ang Kapuso actress.

Walang nababanggit si Rhian na registered voter na rin siya ng Maynila kaya marami ang nagulat sa kanyang pagboto sa naturang siyudad.

Matibay na ebidensiya rin ang mga larawan ni Rhian habang bumoboto, patunay na ginagawa niya ang lahat dahil sa kanyang pagmamahal kay Sam.

Read: Rhian Ramos recalls how she almost gave up showbiz in the past

SAM VERZOSA LEAVES EVERYTHING IN GOD'S HANDS

Sa panayam naman kay Sam, sinabi nitong masayang-masaya siya dahil nakasama niya ang mga mahal sa buhay, kabilang ang kanyang ina na si Mrs. Niña Verzosa na bumoto rin sa nabanggit na poll precinct.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
rhian sam 2025 elections
Sam Verzosa with girlfriend Rhian Ramos and mother Nina Verzosa at the polling precinct.
Photo/s: Sam Verzosa Facebook

“Masayang-masaya ako at naibigay ko lahat. Masaya ako dahil nakasama ko ang pamilya ko, ang mga mahal ko sa buhay, mga supporters natin,” saad ni Sam.

Ipinauubaya raw ni Sam sa Panginoong Diyos ang kanyang kapalaran.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It’s up to God. Sabi ko nga, it’s all up to my destiny, our destiny, kung ano talaga yung plano Niya para sa akin at plano Niya para sa buong Maynila.

“Basta ako, masaya ako dahil naibigay ko lahat, naipakita ko yung sarili ko, yung buong puso ko para sa Manilenyo.

“Nakita ko yung pagmamahal nila sa akin. Sabi ko nga, lahat ng pagmamahal nila, suporta nila, kung mabigyan ako ng opportunity, maibabalik ko sa kanila yun ng ten folds.

"Mas marami, mas matindi at, sana, madala ko pa yung pagbabago dito sa Maynila.”

Read: Sam Verzosa, nag-react sa surveys sa mayoral race sa Maynila

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Rhian Ramos, now a registered voter of Manila, accompanied boyfriend mayoral candidate Sam Verzosa at Legarda Elementary School to cast their votes. Right photo shows the couple with Sam's mother, Nina Verzosa.
PHOTO/S: Sam Verzosa Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results