PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Character actors Romy Romulo at Amay Bisaya, magkasunod pumanaw

Rest in peace, Romy Romula at Amay Bisaya.
by Jojo Gabinete
Published May 9, 2025
romy romulo amay bisaya death
Character actor Romy Romulo (left) and comedian Amay Bisaya (right) passed away on April 25, 2025 and May 8, 2025, respectively.
PHOTO/S: Facebook

Lingid sa kaalaman ng marami, dalawang character actors ang pumanaw na rin nitong mga nakalipas na linggo.

Sila ay sina Romy Romulo at Amay Bisaya.

Dahil hindi kasing-laki ang kanilang mga pangalan gaya ng mga yumaong artista kamakailan — Pilita Corrales, Nora Aunor, Hajji Alejandro, at Ricky Davao — walang gaanong balita tungkol sa pagpanaw nina Romy at Amay.

Read: Ricky Davao dies at 63

ROMY ROMULO

Si Romy—Romulo Borromeo sa tunay na buhay—ay pumanaw noong April 25, 2025.

Siya ay 79.

Nakatrabaho ni Romy ang halos lahat ng mga sikat na action stars tulad nina Fernando Poe Jr., Rudy Fernandez, at Lito Lapid.

Nagsimula ang acting career ni Romy noong dekada '80.

Siya ay naging miyembro ng SOS Daredevils, isang grupo ng stuntmen.

Ang FPJ's Batang Quiapo, ang action-drama series na pinagbibidahan ni Coco Martin, ang isa sa mga huling acting assignments niya.

Read: Nora Aunor: Fast facts about Philippine cinema's Superstar

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
romy romulo obituary

AMAY BISAYA

Pumanaw naman ang comedian na si Amay Bisaya—Roberto Reyes sa tunay na buhay— nito lamang Mayo 8, 2025.

Kumplikasyon dahil sa diabetes ang sanhi ng kamatayan ng character actor.

Siya ay 67.

Magsisimula ang lamay para sa kanyang mga labi sa Linggo, Mayo 11, sa St. Peter Memorial Chapels sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-umpisa ang acting career ni Amay noong 1972.

Nakuha niya ang atensiyon ng publiko dahil sa kanyang pagganap bilang sidekick sa mga pelikula nina Fernando Poe Jr., Ramon Revilla Sr., Lito Lapid, at iba pang sikat na action stars.

Tumagal ng mahigit sa limang dekada ang karera ni Amay sa pag-arte.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Maraming beses din niyang sinubukang pumasok sa pulitika pero hindi siya nagtagumpay.

Ang Nagalit ang Patay sa Haba ng Lamay ang isa sa mga huling pelikula ni Amay noong 2023.

Minsan nang naging biktima si Amay ng fake news.

Noong Nobyembre 19, 2022, kumalat ang balitang namatay siya, na mariin niyang pinabulaanan sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Paninira yan! Hindi totoo iyon. Maraming naninira, e. Okey naman ang kalusugan ko. Wala akong sakit.

"Lahat ng mga naninira sa akin, ipinagpapasa-Diyos ko na lang, kasi wala naman mangyayari.

"Kung masaya sila, makonsiyensya naman sila sa ginagawa nila,” ang buhay na pahayag noon ni Amay.

Read: Amay Bisaya, hindi totoong yumao na; gagawa pa ng pelikula

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Character actor Romy Romulo (left) and comedian Amay Bisaya (right) passed away on April 25, 2025 and May 8, 2025, respectively.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results