PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kimson Tan, bakit bar at club ang napiling negosyo?

Kimson Tan, tanggap na hindi stable ang career sa showbiz.
by Jojo Gabinete
Published May 9, 2025
kimson tan business
Kimson Tan on managing his bar and club: “Of course, like any other business, malaki rin talaga ang risk dahil malaki ang investment fund kaya very hands-on ako. I try to visit always if hindi ako busy sa showbiz commitment dahil ako naman po, if I do something, I make sure na ibinibigay ko ang 100 percent ko."
PHOTO/S: Instagram

Tanggap na tanggap ni Kimson Tan ang katotohanang hindi matatag at walang katiyakan ang propesyon niya bilang artista kaya nagtatag siya ng mga negosyo.

Sa loob lamang ng pitong buwan, dalawang bar ang binuksan ng 25-year-old Filipino-Chinese actor na talent ng Sparkle GMA Artist Center.

Una, ang Korean-inspired club na Aqua Party Club sa Adriatico Street, Manila.

Pangalawa, ang SHINMA sa General Malvar Street, Manila.

Read: Sparkle artist Kimson Tan, "konting push pa sa sarili" para gumawa ng daring roles

View this post on Instagram

A post shared by Kimson Tan (@kimsontann)

KIMSON ON PUTTING UP BAR AND CLUB BUSINESS

Sa panayam ng Cabinet Files kay Kimson, inamin niyang hindi naging madali para sa kanila ng kanyang mga kasosyo ang magtayo ng bar at club business dahil malaking halaga ng pera ang puhunan nila.

Lahad niya: “Mahirap po pero at the same time, masaya ang process habang binubuo namin yung business.

“Of course, like any other business, malaki rin talaga ang risk dahil malaki ang investment fund kaya very hands-on ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I try to visit always if hindi ako busy sa showbiz commitment dahil ako naman po, if I do something, I make sure na ibinibigay ko ang 100 percent ko.

“Madalas po, bumibisita ako ng three to four times a week to check ang itinatakbo ng business, things to improve, and the staff.

"Kasi kapag masaya ang staff, mas lalago ang business.

“But of course, ang showbiz pa rin ang passion ko dahil mahal natin ang craft, e, so I make sure that kapag may project or need in my career, one hundred percent pa rin ang focus ko.”

Read: Debut movie ng Sparkle artist na si Kimson Tan, ipalalabas sa Singapore at Malaysia

Likas ang pagiging negosyante ni Kimson, at pinaghahandaang mabuti ang kanyang kinabukasan.

View this post on Instagram

A post shared by Kimson Tan (@kimsontann)

Bakit bar at club ang pinili niyang negosyo?

Paliwanag ni Kimson: “Dahil na rin siguro when I was growing up, KTV at kantahan talaga ang bonding ng family namin, including my cousins.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ngayon na may sariling bar at VIP rooms business na ako, they can go anytime they want to sing and bond.”

Sino ang mga showbiz personality na tumatangkilik sa kanyang negosyo?

“Hindi po madalas but, most of the time, kapag may occasions, mga close friend ko sa industry, like Anjay Anson at Miggs Cuaderno.

"Mostly, puro boys ang mga kasama ko," sabi ni Kimson.

Read: Kimson Tan shocked over 1M 'dinner' proposal

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kimson Tan on managing his bar and club: “Of course, like any other business, malaki rin talaga ang risk dahil malaki ang investment fund kaya very hands-on ako. I try to visit always if hindi ako busy sa showbiz commitment dahil ako naman po, if I do something, I make sure na ibinibigay ko ang 100 percent ko."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results