PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VMX star Karen Lopez, pinangangambahang nawawala

Karen Lopez, dalawang araw nang hindi nakokontak ng malalapit sa kanya.
by Jojo Gabinete
Published May 7, 2025
karen lopez vmx
VMX star Karen Lopez has reportedly been missing for two days. Lopez also did not report for work for the last shooting day of her VMX movie Maalikaya, Wednesday, May 7, 2025.
PHOTO/S: VMX Philippines / Instagram

Labis na nababahala ang talent manager na si Lito de Guzman dahil nawawala ang kanyang alaga, ang 21-year-old VMX star na si Karen Lopez.

Sinabi ni Lito sa Cabinet Files na huling nakita si Karen noong Lunes ng 12 P.M., Mayo 5, 2025.

Mula noon ay hindi na sila nagkaroon ng komunikasyon sa isa’t isa.

Lahad ni Lito: “Dalawang araw na siyang nawawala. Sinundo raw ng boyfriend sa condo unit niya pero pareho na silang hindi namin makontak.

“Hindi na rin siya active sa Messenger, Viber, at WhatsApp kaya kinakabahan na kaming lahat.

Read: Roman Perez Jr., pinangalanan ang top female and male VMX stars

KAREN LOPEZ ALSO DID NOT REPORT FOR WORK

Ayon pa sa talent manager ni Karen, ngayong Miyerkules, Mayo 6, ang huling araw ng shooting ng sexy star para sa kanyang pinagbibidahang VMX movie na Maalikaya.

Pero hindi raw sumipot si Karen.

Saad ni Lito: “Alam niyang may shooting siya pero nakapagtataka na hindi siya sumipot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Alam naman niya na may shooting schedule siya today so expected na sisipot siya kasi siya nga ang bida.

“6 A.M. ang calltime niya, hindi naman nale-late yon.

"Natataranta na kaming lahat. Wala siya sa set at wala pa sa condo na inuuwian niya."

Read: Armani Hector iiwan na ang sexy movies para sa wholesome roles

Hindi pa ipinapa-blotter ni Lito ang pagkawala ni Karen dahil hinihintay niya ang desisyon ng pamilya ng nawawalang VMX star.

Ang tanging hiling ni Lito ay magparamdam si Karen para mabawasan ang kanyang takot at pag-aalala dahil dalawang araw na nilang hindi nakikita ang talent niya.

Ayaw pa sana ni Lito na ipasulat ang pagkawala ni Karen, pero pumayag siya dahil sa pagbabakasakaling makatulong ang ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para matukoy ang kinaroroonan ng sexy star.

Si Karen ay napanood sa VMX movies na Habal at Babae sa Butas bago nabigyan ng starring role sa Maalikaya na mula sa direksiyon ni Roman Perez Jr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Direk Joel at Direk Joey, nangangamba sa AI at vertical shorts

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
VMX star Karen Lopez has reportedly been missing for two days. Lopez also did not report for work for the last shooting day of her VMX movie Maalikaya, Wednesday, May 7, 2025.
PHOTO/S: VMX Philippines / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results