Si Kirk Bondad ang nanalong Mister Pilipinas International 2025 sa koronasyon ng Mister Pilipinas Worldwide 2025 ng Empire.PH na ginanap sa Newport Performing Arts Theater, Pasay City, noong Lunes, Abril 28.
Ang 27-year-old Filipino-German model ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Mister International 2025 na gaganapin sa Thailand bago matapos ang taon.
Read: Thailand, itinanghal na Mister International 2023; Philippines, pasok sa Top 10

Bukod kay Kirk, ipinroklama rin sa gabi ng koronasyon ng Mister Pilipinas Worldwide 2025 ang ibang mga nagwagi at magiging kinatawan ng Pilipinas sa iba’t ibang international male pageants.
Mister Pilipinas Global 2025 si Jether Palomo ng Taguig City.
Kung papalarin, maaaring masundan niya ang tagumpay ni reigning Mister Global Dom Corilla.
Si Jethro ang male winner ng Century Tuna Superbods 2024.

Si Kenneth Cabungcal ng Dumaguete City ang Mister Pilipinas Supranational 2025.

Si Raven Lansangan ang Mister Pilipinas Manhunt International 2025.

Si Raven ang Mister International Philippines 2017 titleholder at kasabayan niya noon si Ion Perez, ang Mister Universe Tourism Philippines winner.
Si Kitt Cortez ng San Juan City ang Mister Pilipinas Eco International 2025.

Si Kenneth Marcelino ang Mister Pilipinas Cosmopolitan 2025.

At si Michael Angelo Toledo ang Mister Pilipinas Man of the Year 2025.

KIRK BONDAD
Hindi ito ang unang pagkakataong sumali si Bondad sa isang male pageant dahil siya ang reigning Mister World Philippines.
Top 20 finisher din siya sa Mister World 2024 na nangyari sa Vietnam noong Nobyembre 23, 2024.
Read: Kirk Bondad breaks silence after failed Mr. World 2024 bid
Si Kirk ang nakababatang kapatid ng former actor at model na si Clint Bondad, na higit na kilala bilang dating karelasyon ni Miss Universe 2018 Catriona Gray
Dumalo sa gabi ng koronasyon ng Mister Pilipinas Worldwide si Nwajagu Samuel ng Nigeria, ang Mister International 2024 na personal na bumati kay Kirk dahil sa tagumpay nito.
Umaasa ang mga tagasuporta ni Kirk na siya ang magiging successor ni Samuel.
Ang police officer at actor-model na si Neil Perez ang kauna-unahang Pilipino na nagwaging Mister International noong 2014.
Hanggang ngayon, hindi pa nasusundan ng mga kinatawan ng Pilipinas sa naturang patimpalak ang kanyang tagumpay.
Read: Policeman Neil Perez wins Mister International Pageant