Magsisimula sa Miyerkules, Mayo 7, 2025 ang papal conclave o ang pagpili sa bagong Santo Papa na ipapalit kay Pope Francis.
Binawian ng buhay si Pope Francis sa edad na 88 noong Abril 21, 2025.
Read: Pope Francis dies at 88
Conclave ang tawag sa pagtitipun-tipon ng College of Cardinals, ang mga obispo at mga opisyal ng Vatican na pinili ng Santo Papa, para ihalal ang hahalili kay Pope Francis.
Sa kasalukuyan, 252 ang bilang ng College of Cardinals.
136 sa kanila ang maaaring bumoto para sa magiging ika-267 pinuno ng Simbahang Katoliko.
Inanunsiyo ang pag-uumpisa ng conclave matapos ilibing si Pope Francis sa Basilica of St. Major sa Rome, Italy, noong Sabado, Abril 26.
Read: The Pope Dies: What happens next in the Vatican?
CHOOSING THE NEXT POPE
Lihim ang pagpupulong na ginagawa ng mga matataas na opisyal ng Simbahang Katoliko.
Kapag nakapili na sila ng bagong Santo Papa, malalaman ito ng buong mundo sa pamamagitan ng puting usok mula sa tuktok ng Sistine Chapel.
Itim na usok naman ang lumalabas mula sa nabanggit na kapilya kapag hindi pa nakakapili ng ipapalit sa pumanaw na Santo Papa.
Pero bago magsimula ang halalan, pumapasok muna sa Sistine Chapel ang mga kardinal na boboto para sa oath of secrecy at pagtatatak sa mga pintuan ng simbahan.
Boboto ang bawat kardinal sa pamamagitan ng lihim na balota, magdarasal at ilalagay nila sa isang malaking kalis ang kanilang balota na dalawang beses nakatiklop.
Read: Sino si Sister Genevieve, madreng lumabag sa Vatican protocol?
Ang itim at puting usok na nagmumula sa Sistine Chapel sa panahon ng isang conclave ay kumakatawan sa desisyon ng mga kardinal para sa araw na iyon.
Apat na beses na pagboto ang araw-araw na idinadaos hanggang makatanggap ng two-thirds vote ang kandidato sa pagka-Santo Papa.
Kung ang isang kandidato ay hindi nakatanggap ng kinakailangang boto para sa araw na iyon, ang mga balota ay sinusunog sa isang pugon na may halong mga kemikal para makabuo ng itim na usok.
Ang itim na usok ang nagpapahiwatig na may isang araw pang magaganap na pagboto.
Kapag napili na ang bagong kapalit ni Pope Francis, sinusunog ang mga balota, gamit ang kemikal na usok na puti ang resulta.
CARDINAL LUIS ANTONIO TAGLE
Kabilang si Cardinal Luis Antonio Tagle ng Pilipinas sa matunog ang pangalan sa pinagpipiliang papalit kay Pope Francis.
Ayon sa ulat ng international news organization na Reuters, si Cardinal Tagle ay madalas na tinatawag bilang "Asian Francis."
Ayon naman sa BBC, pareho raw kasi sila ng views ng yumaong Santo Papa pagdating sa "social issues and sympathy for migrants."
Hindi rin daw matatawaran ang kanyang "decades of pastoral experience," na ang ibig sabihin ay he's been an "active Church leader among the people."
Sakaling mahalal, si Cardinal Tagle ang magiging pinakaunang Santo Papa mula sa Asia.
Read: Cardinal Luis Antonio Tagle: Possible successor to Pope Francis?