PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ruffa Gutierrez, "napupunta ang sweldo" sa pag-aaral ng mga anak

Ruffa: "Hindi ko sila ite-terrorize katulad nang ginawa ng mommy ko noon."
by Jojo Gabinete
Published Apr 26, 2025
Ruffa Gutierrez says most of her earnings go to Lorin and Venice's education abroad.
Ruffa Gutierrez on daughters Venice and Lorin Bektas: "And if they introduce me to someone one day, baka 15 years from now—talagang 15 years from now—hindi ko sila ite-terrorize katulad nang ginawa ng mommy ko noon, para hindi sila mag-rebel."
PHOTO/S: @iloveruffag Instagram

Mas madali para kay Ruffa Gutierrez, 50, ang mag-aral noong panahon ng coronavirus pandemic kaya nakatapos siya ng kurso sa Philippine Women’s University.

Read: Ruffa Gutierrez graduates from college; pursues Master's degree

Ito ang ikinuwento ni Ruffa nang itanong ng Cabinet Files ang kalagayan ng masteral studies niya sa parehong kolehiyo.

"Yes I am still doing it. I am about to finish my thesis, so hopefully, by end of this year or early next year, tapos na rin ako sa master’s degree," pahayag ni Ruffa.

Lahad pa niya: "I am taking Communication Arts in Philippine Women’s University. Hindi siya madali, ha? Mahirap siya.

"Mas madali sa akin ang nakapagtapos ng college kasi I did it during the pandemic.

"It’s more difficult now because I am working, nasa labas tayo, and marami nang activities so mas mahirap."

Looking forward si Ruffa na matapos ang pag-aaral niya.

"Sabay kami ni Lorin na magga-graduate. Lorin is graduating this December 2025," pagbabahagi pa ni Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magtatapos si Lorin, 21, ng kursong advertising sa Pepperdine University sa California.

Ang bunsong anak ni Ruffa na si Venice, 20, ay freshman at nag-aaral na rin sa U.S.

Aminado si Ruffa na mahal magpaaral sa ibang bansa.

"Si Venice kasi, sabi niya, 'How come Lorin is studying abroad? I want to study abroad as well.'

"Sabi ko, 'Sige.' So, I think this year is the most difficult dahil pareho na silang nasa abroad ngayon.

"Before, Lorin was the only one studying abroad; and yung suweldo ko, talagang napupunta sa kanila."

Hirit pa ni Ruffa, "Actually, feeling ko OFW ako pero imbes na ipinapadala nila sa akin, ako yung nagpapadala sa abroad.

"Ang laki ng ibinabayad sa school nila so maraming salamat sa mga brands sa pagtitiwala. I’m able to send my kids to school."

Nakapanayam si Ruffa ng Cabinet Files nang ipakilala siya bilang official global brand ambassador ng Kabayan Remit, ang online money transfer platform para sa OFWs sa United Kingdom, USA, at Canada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ruffa Gutierrez reveals Yilmaz Bektas wants to marry her again

RUFFA GUTIERREZ NOT AN OVERPROTECTIVE MOM

Si Ruffa ang nag-iisang anak na babae nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

Mula nang mag-umpisa ang kanyang showbiz career noong siya ay 12 taong gulang, hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang mahigpit na pagbabantay ni Annabelle sa kanya.

Tiniyak ni Ruffa na hindi siya katulad ng nanay niya.

"My mom has always been overprotective, and up to now, she thinks I’m 12 years old, so I think, si Mommy never na mawawala sa kanya ‘yon," saad ng beauty queen-actress.

Pagpapatuloy niya: "And I think as she gets older, mas lalo siyang nagiging parang emotional and clingy. Kapag naa-out siya, hindi siya kasali sa usapan, nahe-hurt siya.

"I am not like that to my kids because yes, I am strict, I am the good cop and the bad cop, but I also let them be kasi pinagdaanan ko na ‘yon."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ano ang paaala niya sa mga anak?

Sagot ni Ruffa: "As long as they study hard, hindi nila ako binibigyan ng problema, hindi sila nalalasing, they don’t do drugs.

"And if they introduce me to someone one day, baka 15 years from now—talagang 15 years from now—hindi ko sila ite-terrorize katulad nang ginawa ng mommy ko noon, para hindi sila mag-rebel.

"But I know that they will choose wisely, not like me."

Read: Yilmaz Bektas confirms news about visiting the Philippines

RUFFA GUTIERREZ, DI NA MAGASTOS SA SHOPPING

Tanggap ni Ruffa ang katotohanang kuripot siya ngayon kesa noong dalaga pa siya.

"When I was much younger, nagsa-shopping ako dahil wala pa akong anak noon.

"Pero ngayon, talagang lahat ng finances ko, talagang parang mas kuripot ako ngayon kesa noong bata pa ako kasi I know that I have two girls that I have to send through college.

"Alam ko maraming OFW’s, maraming Pilipino, maraming mga nanay na makaka-relate sa akin so I don’t spend as much as I used to.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mas exaggerated ang spending ko noon kasi nag-iisa lang naman akong anak na babae at wala akong mga anak.

"But I think now, it’s more important that you save and focus on the future of your children."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruffa Gutierrez on daughters Venice and Lorin Bektas: "And if they introduce me to someone one day, baka 15 years from now—talagang 15 years from now—hindi ko sila ite-terrorize katulad nang ginawa ng mommy ko noon, para hindi sila mag-rebel."
PHOTO/S: @iloveruffag Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results