PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kych Minemoto, Queenay Mercado magkasintahan na?

Kych at Queenay, nagkamabutihan habang ginagawa ang serye sa TV5.
by Jojo Gabinete
Published Apr 25, 2025
Kych Minemoto and Queenay Mercado are now in a relationship.
Bukod sa Ang Himala Ni Nino, magkakasama rin sina Queenay Mercado at Kych Minemoto sa Sing Galing! sa TV5.
PHOTO/S: Queenay Mercado Facebook

Magkarelasyon na diumano ang aktor na si Kych Minemoto at ang popular TikTok star na si Queenay Mercado.

Read: TikTok star Queenay Mercado seryoso na sa pagiging "aktres"

Si Queenay ay isa sa mga artista ng drama series na Ang Himala ni Niño at SingToker ng karaoke show na Sing-Galing! sa TV5.

Magkasama sina Kych at Queenay sa Ang Himala ni Niño. Dito sila nagkakilala nang lubusan hanggang sa magkamabutihan sila.

Parehong nakilala ang dalawa noong panahon ng pandemya dahil napansin ang husay ni Kych sa pag-arte sa Gameboys: The Movie at sa critically-acclaimed movie na May, December, January na mula sa panulat ni National Artist for Film and Broadcast Arts Ricky Lee.

Umingay naman ang pangalan ni Queenay dahil sa kanyang viral videos, na instrumento kaya naging co-host siya ng Wil To Win sa sandaling panahon, hanggang mabigyan ng mga proyekto sa TV5.

Read: Queenay Mercado na-starstruck at na-challenge kay Joshua Garcia

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KYCH AT QUEENAY MAGKAKASAMA RIN SA SING GALING!

Kabilang si Kych sa mga celebrity contestant sa magbabalik na "Sing-lebrity" edition ng Sing Galing!, na mapapanood simula sa Mayo 18, 2025, Linggo, 6:45 P.M.

Dito inaasahang magsasalita sina Kych at Queenay tungkol sa kanilang pagmamahalan.

Ang mga magtatagisan sa Sing Galing! ay sina Keanna Reeves, Bobby Andrews, Anton Diva, Dominic Ochoa, Nathalie Hart, Jay Gonzaga, CJ Navato, PJ Abellana, at Leandro Baldemor.

Kasama rin sina Maui Taylor, Sexbombs Mia and Monic, Divine Tetay, Jeffrey Tam, Rikki Mae Davao, CJ Ramos, Patricia Javier, at Troy Montero.

Sasabak din sa kompetisyon sina Valerie Concepcion, Mark Ian Garcia, Andrew Muhlach, Via Antonio, Ryle Santiago, at Romnick Sarmenta.

Makikipaglabanan din ang viral sensation na si Arman Salon, broadcast journalist Gus Abelgas, beauty queen CJ Opiaza, News5 correspondent Laila Pangilinan, at ang Ka-GuMoKa na si Maoui David.

"Pa-sing-katan with purpose" ang pagsali ng mga nabanggit na personalidad sa "Sing-lebrity edition."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa cash prizes na kanilang mapapanalunan, lalaban sila para sa mga piniling charity beneficiaries na tinawag nila na Bidaficiaries.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukod sa Ang Himala Ni Nino, magkakasama rin sina Queenay Mercado at Kych Minemoto sa Sing Galing! sa TV5.
PHOTO/S: Queenay Mercado Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results