PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nora Aunor films na iprinodyus ng Viva, ipapalabas sa mga sinehan

PHP150 lang ang halaga per movie ticket.
by Jojo Gabinete
Published Apr 24, 2025
Viva Films set to show Nora Aunor films Beloved, Flor Contemplacion Story and Mananambal in cinemas beginning April 25, 2025.
Nora Aunor films na Beloved, The Flor Contemplacion Story, at Mananambal ng Viva Films ipapalabas sa piling sinehan simula April 25, 2025.

Bilang pagpupugay at paggunita sa mga alaala ni National Artist for Film and Broadcast Arts Nora Aunor, itatanghal sa mga piling sinehan ang tatlo sa mga pelikula niyang iprinodyus ng Viva Films.

Read: Mga di malilimutang kaganapan sa pagpanaw ni Nora Aunor

The Superstar Collection: A Tribute to the National Artist ang pamagat ng muling pagpapalabas ng mga hindi malilimutan at award-winning movies ng aktres.

Kabilang dito ang Beloved, na unang pinalabas noong Hunyo 27, 1985. Kasama ni Nora rito sina Christopher de Leon at Hilda Koronel.

Mapapanood din ang The Flor Contemplacion Story na ni-release noong Hunyo 7, 1995, at nagbigay kay Nora ng Best Actress Award mula sa 1995 Cairo International Film Festival ng Egypt.

Kasama rin ang Mananambal, ang huling proyekto niya na pinalabas noong Pebrero 19, 2025.

Mapapanood ang mga ito sa halagang PHP150 sa piling SM Malls at Robinsons Malls, pati na rin sa Gateway Mall at Fisherman Mall.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na nakadalo si Nora sa media conference para sa Mananambal noong Pebrero 6, 2025, dahil sa kanyang hindi mabuting pakiramdam.

NORA AUNOR FILMS PRODUCED BY VIVA

Bukod sa Beloved at The Flor Contemplacion, ang Muling Umawit ang Puso (1995), Bakit May Kahapon Pa? (1996) at Tinik Sa Dibdib (1985) ang tatlo pa sa mga proyekto ng Viva Films na pinagbidahan ni Nora.

Nora Aunor's Bakit May Kahapon Pa is produced by Viva Films.
Nora Aunor, Eddie Garcia and Dawn Zulueta for Bakit May Kahapon Pa?
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Muling Umawit ang Puso—na official entry sa 21st Metro Manila Film Festival noong Disyembre 1995—ang pelikulang pinagsamahan ni Nora at ng kanyang anak na si Ian de Leon.

Nora Aunor's Tinik Sa Dibdib is produced by Viva Films.
Nora Aunor was with Phillip Salvador, Dina Bonnevie, and Eddie Garcia on Tinik Sa Dibdib.

Si Joel Lamangan ang direktor ng Muling Umawit ang Puso.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

At base sa kanyang kuwento, nahirapan si Ian na umarte dahil pinanonood ito ng nanay.

Pinaalis ni Joel si Nora sa set, nawala ang kaba ni Ian, kaya puro take one na ang mga eksena nito.

Ang Muling Umawit ang Puso ang humakot ng mga tropeo sa Gabi ng Parangal ng 21st Metro Manila Film Festival, kabilang ang best actress award para kay Nora, best director para kay Joel, at best picture ang kanilang pelikula.

Nora Aunor's Muling Umawit Ang Puso, which she co-headlines with Donna Cruz and Ian De Leon, is produced by Viva Films.
Nora Aunor's Muling Umawit Ang Puso, which she co-headlines with Donna Cruz and Ian De Leon, is produced by Viva Films.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nora Aunor films na Beloved, The Flor Contemplacion Story, at Mananambal ng Viva Films ipapalabas sa piling sinehan simula April 25, 2025.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results