Dumalo si John Rendez sa Pagpupugay ng Bayan para sa National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor.
Read: Highlights: Nora Aunor's state necrological service
Pumanaw si Nora noong Abril 16, 2025 dahil sa acute respiratory failure.
Ginanap ang state necrological service para kay Nora, na tinatawag ding Superstar, sa Manila Metropolitan Theater (MET) nitong Martes ng umaga, Abril 22, 2025.
Mula sa MET ay dinala si Nora sa huling hantungan nito sa Libingan ng Mga Bayani sa Taguig City.
Apat na tourist bus ang sinakyan ng matatapat na tagahanga ni Nora papunta ng libingan.
Kasama ng Noranians sa sasakyan si John.
Habang nagaganap ang Departure Honors para sa namayapang National Artist, pinagmamasdan ni John ang mga kaganapan mula sa kinatatayuan.
Lumapit lamang siya sa libingan ni Nora nang umalis na ang mga anak ni Nora, na sina Ian, Lotlot, Matet, Kenneth, at Kiko.
Lumuhod si John sa tabi ng hukay na pinaglagakan ng mga labi ng aktres.
Dito na tuluyang bumagsak ang kanyang mga luha,
Pati ang mga taong nasa paligid niya ay napaiyak na rin habang nagmamasid sa paghagulgol niya.
Nakasama ni John si Nora sa loob ng tatlumpu’t tatlong (33) taon.
Read: Nora Aunor’s legacy: a Superstar onstage and onscreen
JOHN RENDEZ STILL "AT a LOSS FOR WORDS"
Bago lumapit si John sa libingan ni Nora, nagpaunlak muna siyang magsalita sa Cabinet Files at kay MJ Marfori ng TV5.
Tinanong ng Cabinet Files ang nararamdaman ni John sa pagkawala ni Nora.
"How would it feel for you if you lost a part of your life?" balik-sagot ni John.
Pagpapatuloy niya: "That’s probably how it feels for me. It hurts, so sometimes I’m at a loss for words.
"I don’t really wanna talk about it because I don’t want to think about it, kaya pasensya na po."
Pinuna ng Cabinet Files na nagmamasid lamang siya mula sa malayo habang nagaganap ang Departure Honors para kay Nora.
Paliwanag ni John: "I had her in life. They can have her. This moment is for them.
"I respect the family's wishes, their mother…"
Napangiti si John nang banggitin ng Cabinet Files na naging malaking bahagi siya ng buhay ni Nora.
Komento ni John: "Salamat po. Pasensya na po kayo. Usually, I’m very… I can speak well, but…
"And I don’t wanna say anything that might give me trouble.
"Patawarin ninyo muna ako. Like I said before, it's about the fans talaga. Kung wala yung mga fans, wala kami."
Nang magdiwang si Nora ng 70th birthday nito noong May 2023, bukas sa pagsabi si Nora na malapit niyang kaibigan si John.
Read: Nora Aunor, ipinakiusap sa mga anak na mahalin si John Rendez
JOHN RENDEZ ON MEMORABILIA, UNPAID BILLS
Kung mayroong memorabilia si Nora na pinakaiingatan niya, ano ito?
"Yung aso ko, si Rocky. Kaming dalawa ni Rocky, iniwan kami. Wala na si Ate Guy.
"I only have her memories."
Malaman na dagdag ni John, "Everything is going to the family."
Nang tanungin tungkol sa mga gamit ni Nora na naiwan sa bahay na nirerentahan nito sa Quezon City, ang sagot ni John: "All the stuff is at the house there.
"They have to settle it with the landlady muna bago they get the stuff, coz we’re renting it.
"We have a lot of bills unpaid."
Hindi naman nagdetalye si John sa nabanggit niyang unpaid bills nila ni Nora.
Read: Nora Aunor's death hits John Rendez hard: "Parang hindi totoo."
JOHN RENDEZ ON FOND MEMORIES OF NORA AUNOR
Anim na araw na mula nang pumanaw si Nora.
Tanong ng Cabinet Files: "Nagpakita na ba siya sa panaginip mo?"
Sagot ni John, "Hindi pa nga, e. Hinahanap ko pa nga, e. Pero nararamdaman ko siya. I can feel her. I talk to her."
Ano ang nararamdaman niya ngayong wala na si Nora?
"Di ko pa nga alam, e. I think I'm okay," sabi lang ni John.
Mga simpleng pagkakataong nakapiling si Nora ang di raw malilimutang alaala ni John.
"Recent memories of her—the way that we always have a good dinner.
"We always have a good conversation at dinner with her and the staff.
"We all eat together at the table. Sabay-sabay kaming kumakain. Those were memorable moments."
Diin ni John, "Ate Guy is for the poor, for the people. Kung ano ang pagkain diyan, yun ang kakainin natin.
"Hindi masyadong maarte sa pagkain. Hindi masyadong maarte sa company. Basta doon ka, ang bait.”