PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Barbie Forteza, may reward mula sa TF sa isang fast food chain?

Barbie Forteza: "I am enjoying my work, I am enjoying my life."
by Jojo Gabinete
Published Apr 16, 2025
Barbie Forteza asked about what she bought from talent fee from fast food chain
Barbie Forteza: "Marami na akong nai-reward sa sarili ko from my hard work in the past years, kaya I am just enjoying everything now."
PHOTO/S: @barbaraforteza Instagram

"Ay grabe!" ang napasigaw na reaksyon ni Barbie Forteza nang itanong ng Cabinet Files ang kanyang reward sa sarili mula sa talent fee niya sa TV commercial na ginawa nila ni David Licauco para sa isang popular fast food chain.

Hindi pa masagot ni Barbie kung paano i-invest ang talent fee sa oras na matanggap niya ito.

Pero hindi materyal na bagay ang unang naisip ng Kapuso actress.

"Pero siguro ngayon, marami na akong nai-reward sa sarili ko from my hard work in the past years, kaya I am just enjoying everything now.

"I am enjoying my work. I am enjoying my life," lahad ni Barbie.

Mahusay siyang humawak ng mga pera na kanyang pinaghirapan dahil nakapagpundar na siya ng mga ari-arian.

Isang condominium unit sa New Manila area sa Quezon City ang isa sa mga unang investment noon ni Barbie, hanggang nakapagpatayo na siya ng kanyang dream house na nilipatan nila ng pamilya niya noong Disyembre 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: David Licauco, Barbie Forteza get cozy at premiere night

BARBIE FORTEZA ON JOINING MARATHONS

Sa ngayon, nahihilig si Barbie sa pagtakbo na "very rewarding" din para sa kanya.

Kasama sina Alden Richards at Julia Barretto, lumahok si Barbie sa isang charity fun run event, ang Run to Share, na ginanap sa Makati City, noong Abril 6, 2025.

Para ito sa kapakanan ng mga batang may kanser.

Natapos ni Barbie sa loob ng tatlumpo’t limang minuto at dalawampu’t limang segundo (35 minutes and 25 seconds) ang kanyang kauna-unahang five-kilometer fun run na hindi niya inakalang maghahatid ng kakaibang klase ng kaligayahan.

Noong Abril 13, muling tumakbo si Barbie sa U.P. Diliman, Quezon City para sa women’s rights advocacy run na Takbo Babae 2025: Labanan Ang Abuso, upang mawakasan ang mga karahasan laban sa mga kababaihan.

Sa sariling salita ni Barbie, "Iba talaga ang push pag may ipinaglalaban.

"Actually, very rewarding ang pagtakbo. Hindi siya materyal na bagay pero very rewarding siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Barbie Forteza ready to face ex Jak Roberto if they cross paths

HOLY WEEK PLAN

Nang tanungin ng Cabinet Files tungkol sa mga plano niya ngayong Semana Santa, ibinalita ni Barbie na may shooting ito para sa bagong pelikula na kanyang ginagawa.

Pero tiyak niya na magkakasama sila ng pamilya sa paggunita sa Mahal Na Araw.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Forteza: "Marami na akong nai-reward sa sarili ko from my hard work in the past years, kaya I am just enjoying everything now."
PHOTO/S: @barbaraforteza Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results