PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Malisyosong aktor, pinagkalat na niligawan siya ni clueless actor

Panay daw ang yaya sa kanya ni clueless actor na lumabas at magkape.
by Jojo Gabinete
Published Apr 14, 2025
hung actor at yayamaning bading
Malisyosong aktor, hindi nagtagumpay sa pang-aapi kay clueless actor na inaakusahan niyang gay.
PHOTO/S: Pixabay

Biktima ng pagiging malisyoso ng isang aktor ang kapwa nito aktor na higit na matagumpay ang showbiz career kaysa sa kanya.

Ipinamalita noon ng malisyosong aktor na nililigawan siya ng aktor na pinaghihinalaan niya na miyembro ng LGBTQ community dahil panay ang pagpapadala nito ng mensahe sa kanyang cellphone.

MALISYOSONG AKTOR, NANTSISMIS PA!

Diumano, madalas na niyayaya siya ng aktor na lumabas sila at magkape, pero hindi niya sinasagot ang kanyang mga natatanggap na text message.

Ipinapahiwatig ng malisyosong aktor sa mga nakakausap niya na gay ang kapwa aktor at may gusto ito sa kanya.

At para makumbinsi ang kanyang mga nakakakuwentuhan, ipinakikita niya ang mga text invite ng pobreng aktor.

Walang kamalay-malay ang pinaghihinalaang aktor sa paninira na ginagawa ng malisyosong aktor.

Maangas ang imahe ni malisyosong aktor dahil naranasan nito noon na magbida sa mga pelikula at teleserye.

MALISYOSONG AKTOR, NALAOS?

Hindi nagtagumpay ang aktor sa pang-aapi niya, dahil hanggang ngayon, hindi nawawalan ng mga proyekto sa telebisyon at pelikula ang kapwa aktor na kanyang sinisiraan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malayo na ang narating ng showbiz career ng inapi na aktor, samantalang tuluyan nang nawalan ng mga television at movie assignment ang tao na nanira sa kanya.

Bukod sa wala nang nagtitiwala sa aktor na mapanghusga, nagkaroon din siya ng mga personal na problema na isa sa mga dahilan ng paglamlam ng kanyang acting career.

Maaaring mahirapan na ang aktor na makabawi, pero posibleng makabangon pa siya mula sa pagkakalugmok kung susubukan niyang maging mapagkumbaba at iwasan ang pagiging malisyoso o pag-iisip ng masama laban kapwa.

More blind items:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malisyosong aktor, hindi nagtagumpay sa pang-aapi kay clueless actor na inaakusahan niyang gay.
PHOTO/S: Pixabay
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results