"To God be the glory and honor! Wala akong tigil sa pagdarasal!” ang reaksyon ni Phillip Salvador sa resulta ng bagong senatorial preference survey na inilabas ng Pulse Asia.
Read: Phillip Salvador reacts to ex-President Rodrigo Duterte's arrest
Eksklusibong nakapanayam ng Cabinet Files si Philip ngayong Biyernes, April 11, 2025.
Isinagawa ang survey mula Marso 23 hanggang Marso 25, 2025 sa pamamagitan ng randomly selected face-to-face interviews nationwide sa 2,400 na mga Pilipino na may edad 18 paitaas.
Pumasok sa "winning circle" o Top 12 list ng Pulse Asia survey ang pangalan ni Phillip, na mula sa PDP-Laban.
Ang PDP-Laban ang partido ni dating Pangulo Rodrigo Duterte.

Ang iba pang artistang pasok sa Magic 12 ng latest Pulse Survey ay sina Tito Sotto, Bong Revillame, Willie Revillame, Lito Lapid, at Manny Pacquiao.
Read: Phillip Salvador, Brian Poe, Michael Pacquiao tatakbo rin sa 2025
PHILLIP SALVADOR'S TIES WITH EX-PRESIDENT DUTERTE, honeylet
Si Phillip ay kaibigan at masugid na tagasuporta ni dating Pangulo Duterte, na nakakulong sa kasalukuyan sa The Hague, Netherlands, dahil sa kasong Crimes against Humanity na isinampa ng International Criminal Court.
Isa si Phillip sa mga nagpunta sa Villamor Airbase, Pasay City at dumamay kay Duterte nang dakpin ito noong Marso 11, 2025.
Hindi pinayagan si Phillip na makapasok sa kinaroroonan ni Duterte kaya nagbantay at naghintay na lamang siya sa labas ng Villamor Airbase.
Nakunan siya ng mga larawan at video na umiiyak habang inaalo ang ibang mga tagasuporta ni Duterte dahil sa sinapit ng dating pangulo, na agad inilipad sa The Hague noong gabi ng Marso 11, 2025.
Binigyan naman ng malisya ang pag-aasikaso at pagdamay ni Phillip kay Honeylet Avanceña, ang common-law wife ni Duterte.
Pero pinagtawanan lamang ng aktor ang mga nang-iintriga dahil magpinsan sila ni Honeylet.
"Magkamag-anak kami ni Honeylet. Pinsan ko siya. Salvador ang family name ng nanay niya," ang rebelasyon ni Phillip sa Cabinet Files.
Read: Sid Lucero, papayag kung sakaling i-offer ang Bona sequel
PHILLIP SALVADOR ON MIXED REACTIONS OF NETIZENS
At dahil pumasok ang pangalan niya sa winning circle ng Pulse Asia survey, trending ngayon ang pangalan ni Phillip sa social media.
Sari-saring reaksyon ang netizens na hindi makapaniwala at hindi matanggap na may mga pabor na mahalal si Phillip na senador sa halalan sa Mayo 12, 2025.
Pero hindi raw apektado si Phillip ng mga batikos dahil nangingibabaw sa kanyang puso ang pasasalamat sa mga kababayang nagtitiwala sa kakayanan niya.
"Sobrang happy ako. God is soooo good! Wala akong tigil sa dasal at lalo ko pang sisipagan ang pangangampanya. Bawal ang mapagod!” pahayag ni Phillip.
Nag-iikot si Phillip sa Oriental Mindoro nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong Biyernes ng hapon.
Notice: This article falls under promotional material for a candidate running in the 2025 election.