Sa ekslusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kiko Estrada noong Pebrero 1, 2025, nabanggit niya ang kagustuhang magbida sa television o movie remake ng Totoy Bato.
Read: Kiko Estrada, inaming non-showbiz ang current girlfriend
Makaraan ang dalawang buwan, natupad ang pangarap ni Kiko.
Naganap noong Huwebes, Abril 10, 2025, ang story conference ng Totoy Bato, ang action-drama series na pagbibidahan niya at mapapanood sa TV5.
Ang Lumuhod Ka Sa Lupa ang magwawakas na palabas ni Kiko sa Kapatid Network, at ang Totoy Bato ang kasunod na proyekto niya, kaya nag-umpisa na ang kanyang pag-eensayo para sa karakter na gagampanan.
Si Kiko ay binansagang "Kapatid Prince of Primetime."
Read: Kiko Estrada, ayaw makatrabaho ang ex na si Heaven Peralejo?
KIKO ESTRADA ON TOTOY BATO ROLE
Ang Totoy Bato ay ang 1977 film ni King of Philippine Movies Fernando Poe, Jr.
Sinabi ni Kiko na malapit sa puso niya ang Totoy Bato dahil isa ito sa mga pelikula noon ng kanyang lolo, ang sikat na character actor na si Paquito Diaz.
"He means everything to me. He raised me. Siya yung rason kung bakit ako umarte. And I promise, I’m gonna do the best," pahayag ni Kiko sa panayam sa kanya ng News5.
Makakasama ni Kiko sa Totoy Bato sina Diego Loyzaga, Bea Binene, Cindy Miranda, Mon Confiado at ang kanyang tiyo na si Joko Diaz.
Kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa orihinal na plano, mag-uumpisa ang taping ni Kiko para sa Totoy Bato sa Abril 14, 2025.
Read: Kiko Estrada, natuto ng disiplina mula kay Gary Estrada
TOTOY BATO PLAYED BY ROBIN PADILLA, FPJ
Si Robin Padilla ang unang nagbida sa television series na Totoy Bato ng GMA-7, at napanood ito mula Pebrero 23, 2009 hanggang Hulyo 3, 2009.
Malaking hamon para kay Kiko ang pagbibigay-buhay niya sa karakter ni Totoy Bato dahil ang mga yapak ng mga action superstar na sina Fernando Poe, Jr. at Robin Padilla ang kanyang sinusundan.
Si Mon naman ay isa sa mga artista ng Totoy Bato na pinagbidahan ni Robin; at makalipas ang labing-anim (16) na taon, muli siyang makakasama sa action-drama series na pangungunahan ni Kiko.