Aktibong-aktibo pa rin sa pag-arte si Joel Torre, dahil sa edad na 63, hindi siya nawawalan ng mga proyekto sa pelikula at telebisyon.
Read: Yassi Pressman, kabado pa rin kapag kaeksena si Joel Torre
Dalawa ang pelikula ni Joel na itatanghal sa mga sinehan sa buwan ng Abril, ang Samahan Ng Mga Makasalanan, na ipalalabas sa Abril 19, 2025, at ang Isolated, na nakatakdang mapanood sa Abril 30.
Para kay Joel, ang pag-arte ang buhay at propesyon na ipagpapatuloy niya habang malakas pa ang kanyang katawan.
"At seven years old, I was already acting. So now, I’m turning 64, in a span of 56 years, my body of work is nasa acting.
"Half of my life or a lifetime na, nasa acting, tuloy-tuloy yon hanggang ngayon.
"Ang nagustuhan ko lang, I still enjoy it. I still have fun doing it. This is my career na I chose so dapat enjoy-in mo."
Malalim ang pagtingin ni Joel sa kanyang karera.
"Hindi ito trabaho. It’s part of my life already. Ngayon kapag nasa gitna kami ng gabi, nagtatrabaho ka na pagod na pagod ka, I still sit down and say, ‘Thank you Lord. I am here at the best office. Wala ako sa opisina sa Makati, pero nandito ako in my office,'" saad ni Joel.
Nakapanayam si Joel sa media conference para sa Isolated.
Read: Euwenn Mikaell, may controversial scene sa Lolo And The Kid
JOEL TORRE ON THE LATE VIC SALAYAN'S CAREER ADVICE
Ang mahalin ang trabaho ang payo ni Joel sa lahat, lalo na sa mga kabataan.
Hinding-hindi raw niya nakalilimutan ang paalaala sa kanya ni Vic Silayan (Enero 31,1929–Agosto 30, 1987) noong nabubuhay pa ito.
Nagkatrabaho sila sa Karnal, ang pelikulang opisyal na kalahok sa 9th Metro Manila Film Festival noong Disyembre 25, 1983.
"According to Tito Vic Silayan, nagtrabaho kami sa Karnal... Lagi niya akong tinatawag, 'Joel, Joel, come here. You know, Hijo, you should love your job and your job will love you back.'"
Kahit apatnapu’t-isang taon (41) na ang nakalilipas mula nang magsama sila sa Karnal, nasa isip at puso ni Joel ang payo ni Vic.
Aniya: "So, natatandaan ko yon. Tinatandaan ko lagi yon, na hanggang ngayon, I love doing what I am doing.
"And I don’t think I will retire from this, pero maliban na lang kung physically you cannot do it anymore."
MESSAGE FOR YOUNG STARS
Sana raw ay may ganoon ding pagtingin ang kabataan sa pag-arte ngayon.
"But I hope it translates to the young generation—na mahalin ninyo ang trabaho ninyo, mamahalin din kayo ng trabaho ninyo,” pagbabahagi ni Joel.
Dagdag niya, "You enjoy and, of course, the hardwork that pays off. Yun lang naman ang gusto ko, love your job.