Malinaw na nakunan ng CCTV ang pagpasok ng isang lalaking sakay ng motorsiklo at may angkas na babae sa loob ng Minor Basilica and Parish of Saint Martin of Tours o Taal Basilica sa Taal, Batangas.
Ipinarada ng lalaki ang motosiklo sa harap ng altar.
Pagkatapos ay umupo siya sa presider's chair o upuan ng pari, pumalakpak, at itinaas pa ang kanyang paa.
Pumukaw sa atensiyon at interes ng publiko ang insidenteng nangyari noong Martes, Abril 8, 2025 dahil sa paglapastangan sa tahanan ng Panginoong Diyos.
Tumanggap ng mga batikos mula sa mga debotong miyembro ng Roman Catholic Church ang hindi pa pinapangalanang suspek, na kaagad dinakip ng Taal Municipal Police.
Read: First crush ni Kathryn Bernardo, mabilis natunton ng netizens
WHAT WE KNOW...
Sa impormasyong nakalap ng Cabinet Files, 23 taong gulang ang suspek na pumasok sa loob ng simbahan gamit ang kanyang motorsiklo.
Nagmula ang suspek sa Payatas, Quezon City, at kasalukuyang naninirahan sa Taal, Batangas.
Isang kinatawan ng Taal Basilica ang nagsadya at nagreklamo sa Taal Municipal Police station laban sa suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Article 133 ng Revised Penal Code (Article 133. Offending the religious feelings).
Read: Mexican actor Manuel Masalva in medical coma after PH visit
Sa ulat ng news reporter na si Bam Alegre ng Unang Hirit ng GMA-7, umamin ang suspek na gumamit siya ng marijuana.
Hindi rin daw nito pinagsisisihan ang ginawa.
Sa hiwalay namang panayam ng ABS-CBN News ay sinabi ng suspek na nais lamang niya umanong dalhin ang kanyang girlfriend sa altar.
Ang Taal Basilica ang isa sa mga pinakaluma at dinarayong simbahan sa Pilipinas.
Ang OMG (Oh My Girl), ang pelikula ng Regal Films na pinagbidahan nina Judy Ann Santos at Ogie Alcasid noong 2009, ang isa sa mga pelikulang kinunan ang ilang eksena sa Taal Basilica.
Naganap din sa Taal Basilica ang pag-iisang dibdib ni Ogie at ng dating asawa nitong si Michelle Van Eimeren noong Oktubre 1996.
Read: Taytay-based coffee shop cries foul over "one-sided reviews"