Muling napatunayan ang star power at malakas na hatak ni Belle Mariano sa kanyang mga tagahanga nang mag-trend siya sa social media sa magkahiwalay na araw.
Unang umingay ang pangalan ni Belle matapos siyang itanghal na Belle of the Ball sa kontrobersiyal na ABS-CBN Ball na ginanap sa Solaire Resort North, Quezon City, noong Biyernes, Abril 4, 2025.
Read: Standout beauties at ABS-CBN Ball 2025
NEW BELO BABIES
Nag-trending muli sa social media ang pangalan ni Belle noong Abril 7, Lunes, dahil sa official announcement ng Belo Medical Group na Belo Baby na siya, kasama ang kapwa GenZ stars na sina Andrea Brillantes at Francine Diaz.
Ang pagkakaroon ng "classic beauty" ang isa sa mga dahilan kaya pinili ni Dra. Vicki Belo si Belle maging celebrity ambassador.
View this post on Instagram
Kabilang din si Belle sa cover pictorial ng Belo endorsers para sa isang lifestyle magazine bilang paggunita sa ika-35 anibersaryo ng kompanya ni Dra. Belo ngayong 2025.
Sina Piolo Pascual, Iza Calzado, Kim Chiu, Donny Pangilinan, Ivana Alawi, Raymond Gutierrez, Darren Espanto, Chie Filomeno, Francine, Andrea, at ang mag-asawang sina Vicki Belo at Hayden Kho Jr. ang mga kasama ni Belle sa "kontrobersiyal" na anniversary pictorial ng Belo Medical Group.
Read: Candid moments caught on the red carpet of ABS-CBN Ball 2025

"Kontrobersiyal" dahil dalawa sa mga artista sa litrato ang nakakaalam sa katotohanan tungkol sa kaguluhang nangyari sa pagitan nina Daniel Padilla, Kyle Echarri, Richard Gutierrez, at Juan Karlos sa after-party ng ABS-CBN Ball noong nakaraang Biyernes.
Read: Daniel at Kyle, nagkainitan sa after-party ng ABS-CBN Ball?
ANDREA BRILLANTES
May isyu rin tungkol kay Andrea dahil nauugnay ito sa isang dating basketball player, pero nakarating sa Cabinet Files ang balitang may mayaman siyang manliligaw na nagmamay-ari ng helicopter.
Pero hindi pa umano handa ang aktres ipaalam sa publiko ang katauhan ng misteryosong lalaki.
Read: Kathryn, Daniel, Andrea, nagkita-kita kaya sa ABS-CBN Ball?
IVANA ALAWI
Imposible namang hindi pag-usapan ang mga rebelasyon ni Ivana sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Miyerkules, Abril 9, tungkol sa kuripot na aktor na ginastusan niya noon.
Nagpapasalamat si Ivana dahil maaga siyang namulat sa katotohanan kaya hindi humantong sa seryosong relasyon ang pagkakaibigan nila ng aktor.
HAYDEN KHO'S LEATHER SUNFLOWER BOUQUET
Makikita rin sa anniversary pictorial ng Belo Medical Group ang pinag-uusapang Bottega Veneta leather crochet sunflower na nagkakahalaga ng US$8,800 na ginamit ni Hayden na accessory sa ABS-CBN Ball.
Read: Hayden Kho Jr. agaw-pansin ang dalang sunflower bouquet
View this post on Instagram