PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

First crush ni Kathryn Bernardo, mabilis natunton ng netizens

Kenneth Hizon, nabulabog ang mundo dahil sa rebelasyon ni Kathryn Bernardo.
by Jojo Gabinete
Published Apr 8, 2025
kathryn bernardo kenneth hizon
Netizens quickly discovered the identity and social media acounts of Kathryn Bernardo's "first ever crush" whom she identified as "Kenneth." Based on the investigation made by netizens, Kenneth (right) is now a doctor.
PHOTO/S: @bernardokath on Instagram / Edward Hizon Facebook

Popular search ngayon sa social media ang pangalang "Edward Hizon."

Siya ang pinaniniwalaang ama ni Kenneth, ang "first-ever crush" ng A-list star na si Kathryn Bernardo.

Naging trending topic din nitong nakalipas na mga araw ang "Kenneth" matapos pangalanan ni Kathryn ang kauna-unahan niyang crush noong Grade 2 pa lamang siya.

Isiniwalat ito ni Kathryn sa episode ng Pilipinas Got Talent (PGT) noong Linggo, Abril 6, 2025.

“Ang first-ever crush ko, siguro Grade 2 ako noon, sa probinsiya namin. Yung first ever, mestizo siya, mestizo siya," paglalarawan pa ng aktres kay Kenneth.

Read: Kathryn Bernardo names her first-ever crush

Hindi naging mahirap para sa netizens na hanapin si Kenneth.

Sa tulong ng social media at masusing imbestigasyon, nakakuha sila ng kopya ng mga larawan nina Kathryn at Kenneth noong mga paslit na bata pa ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natunton din nila ang Facebook account ng isang Edward Hizon na sinasabing ama ni Kenneth.

Noong Lunes, Abril 7, 2025, ni-repost ni Edward sa Facebook ang video ng pag-uusap ni Kathryn at ng mga kasamahan niya sa PGT na sina Melai Cantiveros at Eugene Domingo.

Caption niya rito, “Dpa nya nkalimutan bnso q”

Ang "bunso" na tinutukoy ni Edward ay si Kenneth.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kasalukuyan ay meron na itong 5.3K likes at mahigit 750 comments mula sa netizens na tuwang-tuwa sa kanilang tagumpay makahanap ng mga impormasyon tungkol sa childhood crush ni Kathryn.

Read: Kathryn Bernardo, most desirable Pinay ngayon?

WHO IS KENNETH?

Biglang nabulabog ang mundo ni Kenneth dahil sa rebelasyon ni Kathryn.

Nalaman ng netizens na ganap nang doktor si Kenneth dahil binati siya ng kanyang ama sa tagumpay niya sa pamamagitan ng isang Facebook post na may petsng Abril 18, 2024.

Congratulations!!! Dr. Kenneth Edward B. Hizon. May anak nko n doktooooor. Thank you very much Lord. We are very proud of you my son!!!” mensahe ng pagbati ni Edward sa bunsong anak.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Base sa mga larawan at impormasyong nahanap ng followers ni Kathryn, isang taon ang tanda sa kanya ni Kenneth.

Pero hindi nagkakalayo ang petsa ng kanilang mga kaarawan.

Isinilang si Kenneth noong Marso 16, 1995; samantalang Marso 26, 1996 naman ang araw ng kapanganakan ni Kathryn.

Kapwa rin sila nagmula sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Natuklasan na rin ng mga kinikilig na netizens ang Facebook at Instagram accounts ni Kenneth.

Nadagdagan na ang bilang ng kanyang followers at pinuputakti ng mga komento ang mga social media post niya dahil marami pang nais malaman ang fans ni Kathryn tungkol sa personal na buhay niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens quickly discovered the identity and social media acounts of Kathryn Bernardo's "first ever crush" whom she identified as "Kenneth." Based on the investigation made by netizens, Kenneth (right) is now a doctor.
PHOTO/S: @bernardokath on Instagram / Edward Hizon Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results