Pinadalhan ng show cause order ng Commission on Elections (Comelec) si Mataasnakahoy, Batangas Vice-Mayor Jay Ilagan dahil tinawag nitong “laos” ang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto sa isang kampanya noong Marso 29, 2025.
Ang show cause order ay isang legal na direktiba kung saan kinakailangang humarap at magpaliwanag ng isang partido kung bakit hindi sila nararapat patawan ng parusa dahil sa kanilang ginawa.
Read: Vilma Santos at Luis Manzano, iginiit ang kahalagahan ng teamwork
Si Ilagan — na kapangalan ng pumanaw na aktor na si Jay Ilagan (Enero 20,1955 - Pebrero 4, 1992) — ang isa sa mga katunggali ni Vilma sa pagka-gobernador sa lalawigan ng Batangas sa halalang idaraos sa Mayo 12, 2025.
Minaliit ni Ilagan ang mga hindi matatawaran at mahirap pantayang mga kontribusyon ni Vilma sa Philippine entertainment industry, at bilang dating mayor ng Lipa City at dating gobernador ng Batangas.
Bahagi ng talumpati ni Ilagan tungkol kay Vilma: “Kung ang aking kalaban ay si Kathryn Bernardo, pero ang aking kalaban ay isang Vilma Santos lang na laos na, hindi ako takot.
“Kung si Kathryn Bernardo at si Andrea Brillantes ay takot ako, pero Vilma Santos, marami naman sa mga fans niya ay namamahinga na rin. Ang iba rin naman ay siyempre nasa edad yan.
“At saka lagi ang sasabihin ko sa inyo ay iba ang governor na nahihipo…”
Read: Vilma Santos, sinagot ang isyu ng political dynasty
COMELEC ISSUES SHOW CAUSE ORDER VS JAY ILAGAN
Ang mga pang-iinsulto ni Ilagan kay Vilma ang nag-udyok sa Comelec na padalhan siya ng show cause order at pagpaliwanagin tungkol sa kanyang mga binitiwang salita laban sa actress-politician.
Nakalagay sa sulat na ipinadala ng Comelec na nilabag ni Ilagan ang Comelec Resolution No.1116 o Anti-Discrimination and Fair Campaigning Guidelines for Purposes of the 12 May 2025 National and Local Elections and BARMM Parliamentary Elections.
Nakasaad sa Section 3 ng Election Offense: “During the election period, any person who directly or indirectly commit acts of bullying on the basis of HIV status, coercion, discrimination against women, discrimination against PWDs on the use of public accomodations, gender based-harrassment, labeling, public ridicule against PWDS, vilification of PWDS, violation of anti-discrimination ordinance, and/or violation of rights to religious, cultural sites and ceremonies as defined under Section 2 of this Resolution shall be liable for an election offense pursuant to Section 13 of RA 9006 and Section 261 (e) of the OEC and other pertinent laws, rules and regulations."
Binigyan si Ilagan ng Comelec ng tatlong araw upang magpaliwanag para hindi siya masampahan ng diskuwalipikasyon dahil sa gender-based harassment at diskriminasyong ginawa niya laban kay Vilma.
Read: Vilma Santos, sinagot mga katanungan sa pagtakbo nilang mag-iina
Notice: This article falls under promotional material for a candidate running in the 2025 election.