Ang Obsesyon, na mapapanood sa VMX simula sa April 15, 2025, ang huling sexy movie project ni Armani Hector.
Desidido na si Armani sa kanyang pasyang talikuran ang paghuhubad sa pelikula.
Ang makagawa ng mga pelikulang puwedeng panoorin ng mga bata at matatanda ang pangarap ni Armani.
Pero nangako si Armani na hindi siya magpapalit ng screen name kapag tinalikuran na niya ang pagbibida sa for adults only movies.
Read: Chadd Solano on why he keeps saying sorry to female co-stars
“Wala po akong plano [na magpalit ng pangalan],” pagtatapat ni Armani sa Cabinet Files.
“Proud po ako sa pangalan na Armani Hector dahil dito ako nakilala at naging parte na talaga ito ng journey ko bilang aktor.
“Sa bagong chapter ng career ko, gusto kong ipakita na hindi lang ito tungkol sa mga nagawa ko noon, kundi sa mga kaya ko pang i-offer para sa mas malawak na audience.”
Ano ba ang kasunduan nila ng Viva? Suportado ba ng home studio niya ang kanyang desisyon?
“Opo, super suportado ako ng mga boss, lalo na ni Boss Vic del Rosario. Noong November 2024, siya mismo ang nagdesisyon na ibalik ako sa mas wholesome projects.
“Malaking bagay ito para sa akin dahil ipinapakita nila na naniniwala sila sa kakayahan ko na mag-explore ng ibang roles at mag-grow bilang aktor.
“Sa totoo lang po, ang original plan para po sa akin ay magkaroon ng wholesome image.
“Nagkataon lang na nagkaroon ako ng opportunity na makatrabaho ang isang award-winning director na si Jose Javier Reyes at ang proyekto ay para sa Vivamax kaya napasok ako sa sexy genre.

“I am very thankful to Boss Vic because he is very supportive of that. I guess he believes in me naman na I can make a name rin naman sa wholesome genre.
"Sabi nga ni Boss Vincent [del Rosario], mala-Coco Martin,” ang pahayag pa ni Armani na nahirapan at natagalan sa kanyang pagpapasya na huminto sa pagtanggap ng sexy projects.
“Hindi naging madali ang desisyon ko dahil malaking bagay ang opportunity na ibinigay sa akin.
“Matagal ko rin itong pinag-isipan, maraming gabi akong nagmuni-muni at kumunsulta sa mga tao na pinagkakatiwalaan ko.
“Sa huli, na-realize ko na mas gusto ko na sundan ang original vision ko para sa career ko.
"Hindi ito overnight decision pero alam ko na ito ang tamang landas para sa akin.”
Read: Hubadero 2024 1Q Edition: Vivamax sexy actors deliver the goods
PREPARING TO BECOME A WHOLESOME ACTOR
Ano ang mga pinagkakaabalahan at pinaghahandaan niya matapos magdesisyong talikuran ang paggawa ng sexy movies?
Saad ni Armani: “Lately, I’ve been dedicating a lot of my time to self-improvement, with a particular focus on honing my acting skills.
“I’ve been working on refining my technique, exploring different methods of acting, and practicing emotional expression to become a more versatile performer.
“I’m in the process of self-improvement. I’ve been attending acting workshops to refine my skills, as well as meeting with movie directors and producers to explore new opportunities that align with my vision of becoming a wholesome actor.
“It’s a journey of growth and reinvention, and I’m excited about the possibilities that lie ahead.
“Nang makapasok po ako sa showbiz, I decided to take my craft seriously.
"I know that I’m back to zero right now since I transitioned from sexy roles to a more wholesome genre. But I am very confident that someday, people will embrace my new image and I have a fighting chance naman.
"Actually, a lot of my followers have been encouraging my management naman talaga na mag transition na po ako since they are aware na bata pa naman ako. I am only 22 years old.
"Kung tutuusin, kaedad ko lang po yung mga co-artists ko na nasa University Series ng Viva.
“So right now, I am doing my best to be ready for the roles and projects na ibibigay sa akin ng management ko. I will make sure that they will not be disappointed that they trusted me on this.
“I am in this for the long run. By God’s grace and will, I am hopeful I will make a positive name in this industry.”
Read: Armani Hector, nag-graduate sa kursong Maritime Transportation
NO FALLBACK PLAN
Ang plano niyang magtayo ng negosyo kapag hindi nangyari ang kanyang pangarap na maging wholesome actor ang sumunod na tanong kay Armani ng Cabinet Files.
“Hindi po ako nag-iisip ng fallback kasi focused po ako ngayon and confident na mabibigyan naman po ako ng wholesome projects,” walang pag-aalinlangang sagot ni Armani.
“Meron naman mga naka-lineup talaga na projects for me. I have faith in my management po and lalo na kay God na tutulungan Niya po ako sa career ko.
“Sabi nga po ng manager ko, ‘Our faith should be strong enough that if we pray to God for rain, be sure to bring an umbrella even if the day seems to be sunny.’
“Hiniling ko po ito kay God and He knows the good desires of my heart. If para po sa akin ito, makakamit ko po ito.
“Pero kung gusto ninyo po talaga ng exact na sagot, na in case mag-retire po ako sa showbiz in the far future, though may college degree naman po ako, I will definitely be a businessman kasi ang family ko rin naman po sa Cebu is into business.
“Hindi ko na lang po sasabihin kung ano ang mga business namin kasi private po talaga ang family ko. Wala pa akong basbas from them na sabihin pero meron and decent business naman po.”