PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Post ni Alden Richards, sentro ng haka-haka

Kung ano ang ibig sabihin nito, tanging si Alden lang ang nakakaalam.
by Jojo Gabinete
Published Apr 6, 2025
Alden Richards post
Binibigyan ng ibang kahulugan ng ilang nakabasa ang post na ito (inset) ni Alden Richards. Kung ano ang ibig niyang pakahulugan dito, tanging siya lamang ang nakakaalam.
PHOTO/S: @aldenrichards02 on X and Instagram

“The people around you is the reflection of who you are,” ang X post ni Alden Richards ngayong Linggo, Abril 6, 2025, na binibigyan ng ibang kahulugan ng mga taong pinaiiral ang iba’t ibang mga haka-haka.

Pero tanging ang aktor lamang ang nakakaalam sa tunay na dahilan ng kanyang iniintrigang mensahe.

Ibinahagi ni Alden ang X post nito, ilang oras matapos ang paglahok nila ni Julia Barretto sa Run To Share 2025, ang beneficiary event ng I Want To Share Foundation na ginanap nitong Linggo nang umaga sa Ayala Triangle, Makati City.

Alden Richards, Julia Barretto
Alden at Julia, sumali sa benefit run para sa mga batang may kanser.
Photo/s: Courtesy of JBeauties Barretto Baldivia Official FB
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mga batang may kanser at nangangailangan ng blood transfusion ang mga makikinabang sa Run To Share 2025 na kapwa sinuportahan nina Alden at Julia.

Ang partisipasyon ng dalawa sa nabanggit na charity event ang isa lamang sa mga proyekto na pagsasamahan nila, dahil si Julia ang magbibida sa Philippine adaptation ng Pee-Mak, ang 2013 Thai blockbuster horror comedy romance movie.

Co-production venture ang Pee-Mak adaptation ng Viva Films at ng Myriad Entertainment Corporation, ang kumpanya na pag-aari ni Alden.

Samantala, nahihilig naman sa pagtakbo si Alden at malaking bahagi raw ito ngayon ng kanyang physical fitness.

“Tumatakbo [ako]! Sobrang sarap tumakbo,” ang rebelasyon ni Alden na nagkuwento rin tungkol sa kanyang fun run project na magaganap sa Mayo 11, 2025, para naman sa kapakanan ng Movie Workers Welfare Foundation (MOWELFUND).

“Magkakaroon po tayo ng MOWELFUND Fun Run at we called it 'Lights, Camera, Tatakbo para sa Pelikulang Pilipino.'

“It’s a charity fun run for MOWELFUND and all off the proceeds will go to the foundation to sustain the members and to open up new memberships sa lahat ng manggagawa at parte ng Philippine movie and television world.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“On May 11, punta na po kayo sa Myriad Events stage at sa page po ng Green Media Race management for registration.

"Ine-expect ko po lahat kayo, meron po tayong 3-Kilometer, 5K, 10K, at 16K sa MOA Concert Grounds.

"Celebrities will be there definitely and you can come in your favorite movie costume, may it be international or local.

“Na-excite ako sa aspeto ng pagtakbo kasi ang galing lang na nagta-transition yung passion ko, yung likes ko and my hobbies into something more purposeful.

“So with the experience of mounting a fun run for MOWELFUND, which is I am very proud of and I am excited about, sabi ko 'Ba’t kaya hindi sa 15th showbiz anniversary ko, magpa-half marathon ako?' So that’s in the works.”

Isa si Alden sa mga miyembro ng Board of Trustees ng MOWELFUND kaya nag-iisip siya ng mga proyekto na makatutulong sa mga manggagawa sa industriya ng pelikula at telebisyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Binibigyan ng ibang kahulugan ng ilang nakabasa ang post na ito (inset) ni Alden Richards. Kung ano ang ibig niyang pakahulugan dito, tanging siya lamang ang nakakaalam.
PHOTO/S: @aldenrichards02 on X and Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results